Kapag ganitong oras talaga, inaantok na naman ako kaya hindi na ako nagtataka kung bakit dahil mukhang nakasanayan ko ng matulog ng ganitong oras. "Sige, ihahatid na kita," sabi ni Laila. Tumanggi ako pero hindi ko siya napilit. Talagang pinanindigan niya ang sinabi ni Declan na 'wag akong mawawala sa paningin niya kahit saan ako magpunta. "Thank you, Laila." Ngumiti lang ito sabay tango ng makitang na buksan ko na ang pintuan. Minabuti kong maligo at magbabad sa bathtub dahil kahit malamig ang silid namin at pakiramdam ko ay pinagpawisan ako. Ang sarap talagang tumira dito sa bahay ni Declan. Narito na ang lahat ng bagay na hinihiling ng kahit na sino. Hindi ko akalain na darating ang araw na mararanasan ko ito at titira sa ganito kalaking bahay dahil kahit minsan hindi ko pinangara

