"Thank you, for how long she needs to stay here, doctor?" "Hindi ko pa masasabi sa ngayon dahil naka-depende tayo sa mental at emotional healing niya. As you can see earlier, grabe ang epekto ng trauma sa kan'ya kanina ng magising at nagkamalay siya kaya naging aggressive siya hanggang sa nagkaroon ng sessure." "Salamat dok," tanging nasabi ko at tumango ng nag-paalam si Doktor Ramirez na lalabas na. Bumaling ang paningin ko sa natutulog na si Liegh. Kahit paano, alam kong kaya siyang alagaan ng bagong doktor na tumingin sa kan'ya dahil nakita ko naman na well trained ito sa pag-handle ng kondisyon ng asawa ko. Mukha lang siyang maldita pero okay naman palang kausap at napaka-professional kaya na miss-interpret ko lang ang kilos nito kanina. Ilang minuto pa ang lumipas at dumating si

