Bago ito napunta kay Hipolito, alam kong naging tauhan siya ni Lazaro at nasaksihan nito ang malupit na sinapit ng hayop na 'yon sa mga kamay ko. I wonder kung paano siya nakatakas dahil sa pagkakaalam ko, wala akong itinira sa mga tauhan ng hayop na 'yon mg ilibing ko ng buhay pero natakasan ako ng isang ito dahil nasisiguro ko na may tumulong dito. "D-declan darling," nauutal at hindi makapaniwala na bati sa akin ng pumasok na si Erin? Wow, just wow. Hindi ko akalain na nasa teritoryo rin pala ni Hipolito ang isang ito. Mukhang alam ko na kung bakit siya narito base na rin sa ayos nito. "What are you doing here?" tanong nito na agad lumapit sa akin at akmang yayakapin ako pero itinaas ko ang kamay ko at humarang si Jake kaya nanatiling nakatayo ito malapit sa akin na halos wala ng it

