"I'm coming mom, bye for now," paalam ko bago pinutol ang tawag at sumakay sa chopper na naghihintay sa akin. Sa helipad mismo ng Ramirez Medical hospital lumapag ang chopper na naghatid sa akin kaya mabilis akong narating. Gaya ng inaasahan ko, nasa labas ang mga tauhang iniwan kong nagbabantay kay Liegh na agad yumuko tanda ng paggalang ng makita ako. Nadatnan kong nakaupo si mommy sa sofa kausap si daddy sa cellphone nito. Si Mendez naman agad tumayo ng makita ako. "Kumusta dito?" seryosong tanong ko agad kay Mendez. "Nagising na siya kanina, nag-usap sila ng mommy mo at kumain na rin po si madam," magalang na sagot ng right hand ko. Gusto ko man na mag-usap kami ng casual ni Mendez pero talagang pinili niya na pormal ang lahat sa pagitan namin. Hinayaan ko na lang at iginalang ko

