Hindi naman ako dating ganito. Malakas ang self control ko pero dahil sa mga bagay na naranasan at pinagdaanan ko ay maraming nagbago sa akin na maging ako mismo ay nahihirapan akong kontrolin ang sarili ko. "I promise, it won't happen again," mahinahon na sabi ni Declan habang panay ang marahang paghagod sa mahabang buhok ko. Nasa gano'n lang kaming tagpo ni Declan hanggang sa lumipas ang oras. Kahit paano ay gumaan na ang pakiramdam ko kahit magkatabi lang kami at hindi nag-uusap. Minsan talaga kailangan ko lang ng kasama na alam kong willing na damayan ako sa kung anong pinagdaanan ko. "Liegh, may itatanong ako sa 'yo. Bakit mag-isa ka lang sa Maynila? Bakit umalis ka sa inyo?" tanong ni Declan kaya napatingin ako dito. "I need to find a job to sustain and support my family's daily

