"Gusto mo bang matulog ulit?" tanong ni Declan na na-upo sa tabi ko. "Mamaya na lang," tipid na sagot ko. "Okay, it's almost three in the morning. Would you mind if I make coffee for us?" tanong nito kaya tumango lang ako. "I can't leave you here alone. You scared the hell out of me earlier when I got up and saw you in such horrible condition." "I'm sorry," tanging naisagot ko sabay yuko. "It's okay, we will talk about it later," pinal na sagot ni Declan at hinawakan ang kamay ko para alalayan akong tumayo. "Black coffee or with sugar and cream?" tanong nito. "Ako na, kaya ko ng magtimpla ng kape ko," sagot ko habang nakatayo sa tabi niya. "Alright." Inabot nito sa akin ang mug kaya ako na magsalin ng mainit na tubig at nagtimpla ng kape ko. Hindi na ako nag-abala magtanong kay

