"Let's not talk about it, Liegh. Siguro mabuting kalimutan muna natin ito. For now, let's get ready," sabi ni Declan na tumayo na. Alam kong umiwas lamang siya, walang kahit anong sagot akong nakuha kay Declan tungkol sa bagay na nabanggit ko dahil bigla siyang tumayo at iba ang isinagot sa dapat sana ay pag-uusapan namin. "A-akala ko ba mag-uusap tayo?" hindi makatiis na tanong ko. "Well, yeah, pero sa tingin ko hindi ka pa handa ngayon. Ayaw kong sirain ang mood mo. Napaka-moody mo pa naman," reklamo nito. Nanlaki ang mga mata ko, harapan niya akong pinagsabihan ng ganito, straight to my face. Ganito talaga ugali ni Declan, walang pakundangan at paligoy-ligoy kung magsalita. "Maligo ka na, ako ng bahala maghanda ng damit na isusuot mo," sabi ni Declan na humakbang na palayo sa akin

