Walang-wala ito kung ikukumpara sa napakalaking bahay niya sa Maynila o kahit doon sa beach house na pinanggalingan namin ni Declan. "Sandali ate, maiwan ko muna kayo. Bibili lang ako ng soft drinks at tinapay para makapag-merienda kayo," paalam ni Andrea pero biglang sumabad si Declan. "Sandali," tawag nito sa kapatid ko. "Buy whatever you want to buy," sabi nito kay Andrea na inabutan ng dalawang libo kaya nanlaki ang mga mata ko. Magkano lang naman kasi ang bibilhin ng kapatid ko, kasya na nga kahit isang daan kapag iyong litro ang binili niya tapos hati-hati na lang. Mukhang walang muwang talaga si Declan sa tindahan. "Antonio, samahan mo siya," utos pa nito sa pilotong kasama namin na mabilis namang sumunod. "You, mag-usap nga tayo," salubong ang kilay na tanong nito. "Kanina

