"Naku, mga taga kabilang bayan pa 'yan. Sila ang kinuha ng asawa mo na mag-aayos dito. Mabuti na lang at malinis at maluwang ang bakuran natin dahil kung hindi, nakakahiya sa kanila," sabi ni mama. Para akong nanonood ng palabas habang pinagmamasdan ko ang mabilis na kilos ng mga tao sa paligid ko. Hindi ko akalain na may ganitong engrandeng plano pala si Declan dahil hindi naman namin ito napag-usapan. "Ate, si kuya tumawag," sabi ni Andrea na kinalabit ako sa braso. Nagtataka man kung bakit ito tumawag sa kapatid ko gayong hindi naman niya nakuha number nito pero binalewala ko na lang at agad na kinuha ang de-keypad na cellphone nito. "H-hello," kinakabahan at malakas ang kabog ng dibdib na sagot ko. "How are you? Kumain ka na ba?" tanong nito. "Yeah, katatapos ko lang," tipid na

