Malalim na ang gabi ng may mga bisita kaming nag-paalam. Mga kapitbahay na lang namin ang halos naiwan at ang iba ay nag-iinuman. "Anak matulog ka na, bawal sa 'yo ang magpuyat ng husto," makahulugan na sabi ni mama. Mabuti na lang at nakuha niya ang ibig sabihin ng mga tingin ko kaya wala itong nabanggit na kahit ano kay Declan. "Right, it's getting late, babe. Come, ihahatid na kita sa loob," sabi ni Declan na inalalayan akong tumayo at hinawakan ako sa bewang. Kanina pa siya panay babe ang tawag sa akin. Mukhang pa sweet naman ng lalaking ito, ano kayang nakain niya at biglang nagbago ang ihip ng hangin? "Ang mama mo na lang ang bahala muna sa asawa mo. Ilang hakbang lang naman ang kwarto n'yo," sabi ni papa kay Declan. Nag-iinuman kasi ang mga ito, napapairap ako kapag inaabot

