"Masaya ka ba dito?" seryoso na tanong nito. "Yeah, syempre naman. Nandito ang pamilya ko at dito ramdam ko na buo ako. Ligtas at payapa ang buhay ko dito," tuloy-tuloy na sagot ko without thinking na posibleng iba ang maging dating nito sa asawa ko. "Tell me Liegh, asawa mo na ako ngayon. Magkakaroon na tayo ng anak at bumubuo na tayo ng pamilya, handa ka bang iwan ang lugar na ito para sa amin ng magiging anak natin?" Naguluhan ako sa tanong ni Declan, hindi ko alam kung bakit niya sinasabi ito at bakit niya ako tinatanong ng ganito gayong hindi naman ito big deal sa pagitan naming dalawa. "Bakit ka nagtatanong ng gan'yan?" nagtataka na tanong ko. "Because I can see the difference in you when you're leaving with me in Manila and here that you're back at your parents' home. Somethin

