"Why?" tanong agad nito sabay halo ng mainit na kape. Mabuti na lang may baon kaming termos na may lamang bagong kulong tubig. Sapat na ito para sa almusal naming kaya malaking tulong na meron kami nito para makakain ng maayos ngayong almusal. "Naisip ko lang," kibit balikat na tanong ko. "No, sa bahay ka na lang. Hindi mo kailangan na bumalik sa opisina, mas safe ka kung hindi ka pupunta doon," sabi nito kaya napatingin ako sa kan'ya. Ewan ko ba pero kakaiba ang dating ng binitiwan niyang salita sa akin. Siguro dahil ito sa nangyari sa akin ng minsan na sinama ako doon ni Declan hanggang sa muntik na akong mamaalam sa mundo dahil sa sabwatan nila ng sekretary niya. "I'm sorry babe, saka na natin pag-usapan ang tungkol dito ha. Sa ngayon, kumain ka ng marami para naman mabilis na lu

