"Ate, kailan ulit ang balik n'yo dito ni kuya?" tanong ni Andrea na bigla na lang pumasok dito sa silid ko ng makitang tapos na akong maligo. "Hindi ko pa alam, pag-uusapan muna namin. Ikaw na ang bahala kina mama at papa, ha?" Nakangiting tumango ang kapatid ko pero bakas sa mukha nito ang alinlangan na tila ba hindi mapakali at may gustong sabihin sa akin. "May gusto ka bang sabihin sa akin, Andrea?" hindi nakatiis na tanong ko. "Ah, ate kasi, naisip ko lang na baka pwede akong sumama sa inyo ni kuya sa Maynila." Kunot noo na umiling ako sa kapatid ko bagay na naging dahilan para mawala ang excitement na nababakas sa mukha nito. "Bakit naman ate?" malungkot na tanong nito. "Ayaw kitang bigyan ng impresyon na maganda ang manirahan sa Maynila, Andrea. Mahirap ang buhay doon. Oo nga

