"I'm glad na nagustuhan mo. Pwede kang lumibot sa buong kabahayan kapag nakapag-pahinga ka na," malambing na sabi nito ng dumantay ang palad niya sa bewang ko. Kahit malakas ang kabog ng dibdib ay tumango ako. Hindi ako sanay sa ganito kalaki na bahay. Pakiramdam ko maliligaw ako lalo na ilang palapag pala ito at napakalawak pa. "Dito na lang muna ako sa silid natin. Baka maligaw ako kapag lumabas ako, ang laki kaya ng bahay mo. Dito pa nga lang, pakiramdam ko aabutin ako ng ilang oras kakaikot," seryosong sagot ko pero natawa ang lalaking katabi ko. "Anong nakakatawa?" salubong ang kilay na tanong ko. "Nagrereklamo ka na agad, hindi mo pa nga nakikita ang magiging room ng mga anak natin," sabi ni Declan na akala mo naman kasing laki na niya ang mga batang pinagbubuntis ko at balak na

