Parang kisapmata, heto ako may beautician na nagkukulay ng buhok ko at may naglilinis ng kuko sa paa at kamay. Kung anu-ano ang ginagawa nila sa akin kaya kahit inaantok ako, pinilit kong 'wag makatulong. Ang bilis lumipas ng oras, heto ako kaharap ang sarili ko sa loob ng isang malaking salamin matapos magbihis. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko dahil ibang-iba ang hitsura ko lalo na at suot ko ang damit na pinili ni Amara na very light ang tela at masarap sa pakiramdam kahit pa napaka-sexy nitong tingnan. "Done," sabi ni Amara, nakabihis at nakaayos na rin siya. "Ang ganda mo naman Amara. Para kang Barbie doll," puri ko dito dahil bagay na bagay dito sang damit na suot pati na rin ang ayos ng buhok at make up. "Ang ganda mo rin, Liegh, pareho tayo. Sure maglalaway sa 'yo ang kapa

