"After we ate, darating si Stella para tingnan ang paa mo," sabi ni Declan kaya hindi ako sumagot at tumango lamang dito. Isipin ko pa lang kung bakit nangyari ito sa akin ay nawalan na ako ng ganang kumain pero itinuloy ko dahil kailangan ko ng lakas. Biglang pumait ang panlasa ko kaya uminom na lang ako ng tubig na nasa baso sa harap ko. "I'm done," tipid na sagot ko. Tiningnan lang ako ng lalaking kaharap ko at wala akong narinig na kahit ano ng tumayo ito at iwan ako. Si Olga ang tumulong sa akin para makarating sa sala kung saan nag-hihintay ang doktor sa kumpanya ni Declan. Ngayon ko lang nalaman na Stella pala ang pangalan nito dahil hindi ko naman nagawang tanungin ng araw na nagkita kami sa clinic. "How are you, Liegh?" nakangiti na tanong nito habang nakaupo sa sofa. "I'm

