After namin makalabas sa tunnel ay binuksan niya ang salamin ng bintana kaya nakahinga ako ng maluwag. Sa isang malawak na open land kami tumuloy hanggang sa sumakay kami sa isang chopper na magdadala sa amin sa lugar na sinabi niya kanina. Madilim ang kapaligiran pero sigurado akong malapit sa dagat ang lugar kung saan ako dinala ni Declan. Malakas ang malamig na simoy ng hangin pero balewala ito sa akin. Gusto ko ng ganitong lugar kung saan pakiramdam ko ay payapa at tahimik. Maliwanag ang beach house na pinasukan namin at ngayon pa lang ay nagustuhan ko na ang buong lugar. Kahit paano ay kampante na ako lalo na at pakiramdam ko ay parang bumalik na rin ako sa probinsya namin, ang kaibahan nga lang ay wala dito ang pamilya ko. "Handa na po ang pinahanda n'yo sir," magalang na sabi ng

