Nagambala ang malalim na pag-iisip ko ng may biglang tumawag sa akin. Isang malalim na buntong-hininga muna ang pinakawalan ko, bago dinampot ang cellphone na nasa ibabaw ng office table ko. "Ninong, good evening." "Hindi maganda ang gabi ngayon, Declan. I'm sure that you know very well, kung ano ang nangyayari sa bakuran mo," seryosong sabi ni Ninong Sabby mula sa kabilang linya. "I know, ninong," tipid na sagot ko. "Anong ginawa mong countermeasure para matigil ito?" seryoso ang tinig na tanong ni Ninong Sabby mula sa kabilang linya. "Declan, there's a lot of chaos inside the organization right now, and I hope you're aware of it. It will be difficult for you to regain the position you have today if you allow them to drag you down this time." Alam kong tama si Ninong Sabby. Maraming

