"Titigil ka ba o gusto mo na ibaon kita sa lupa?" masama ang tingin na tanong ko sa kaharap ko. As usual, hindi niya seneryoso ang tanong ko at tinawanan lang ako. "Cheers! Mag-celebrate tayo, dahil lalaki ka nga talaga," naka-ngising biro pa ni Mendez nang itaas ang hawak na baso. Kung saan-saan napunta ang usapan naming dalawa, hanggang sa nalasing kami. Nagising ako kinaumagahan na pawisan at nanlalagkit matapos mapanaginipan ko ang mainit na tagpo sa pagitan namin ng babaeng nagkalat ng tsismis tungkol sa akin. For the first time, pumasok ako sa opisina na lutang. I only came to my senses ng tumawag ang isa sa mga tauhan ko na nakasunod sa babaeng minamatyagan nila na may ibang armadong kalalakihan ang pumasok sa apartment nito at sigurado silang siya ang pakay ng mga ito. In in

