Tahimik na pinakinggan ko si Declan, mukhang wala siyang alam sa mga armadong kalalakihan na nakita kong may pinatay kanina sa dulo ng isla na ito. "So ibig sabihin, walang ibang nakatira sa lugar na ito kung 'di tayo lang?" Tahimik na sumubo ng pagkain si Declan sabay tango. Confirmation ito na tama nga ang hinala ko. Wala talaga siyang alam sa mga nangyayari sa paligid dito isla na ito lalo na at baka hindi naman yata niya pag-aari ang buong lugar. "Kumain ka na," sabi nito ng makitang tahimik ako. Alarming lang talaga ang mga nakita ko kanina kaya kahit sinabi na ni Declan na safe kami dito ay lalo lamang akong nag-alala dahil malapit kami sa mga armadong lalaking nakita ko kanina at anytime na balakin ng mga masasamang taong iyon na pumasok dito ay wala kaming magagawa ng pekeng

