LIEGH "Ma, impossible po ang sinasabi nila. Isang beses lang pumunta d'yan ang asawa ko at wala akong nakitang dahilan para masangkot siya sa nangyari kay Mayor Lamisarez," agad na depensa ko. "Alam ko naman anak 'yon pero natatakot ako para sa kaligtasan namin dito. Iba magalit si mayor lalo na ang anak niya. Siguro kaya nila naisip iyon dahil baka akala nila nakatanggap kami ng malaking pera dahil pinagawa ng asawa mo ang bahay natin dito. Alam naman nilang wala kaming maayos na trabaho ng papa mo tapos biglang nagbago ang pamumuhay namin," paliwanag ni mama. "Ha, kailan pa nangyari iyan?" gulat na tanong ko dahil kahit minsan ay wala namang na banggit tungkol dito ang asawa ko at maging ang pamilya ko kapag tumatawag ako. Ngayon ko lang nalaman ang tungkol dito. Kung hindi pa may g

