Malamig na ang hangin na sumasalubong sa kanila kaya naman ay napapahigpit ang yakap niya dito. Lalo na at ang iksi pa ng kanyang suot na shorts at tanging ang roba lang ang nakapatong sa kanyang balikat. "Hayst ang sarap palang talaga pag magbiyahe na may angkas!" Dinig niyang sabi nito, mabuti nga at medyo binagalan na nito ang pagpapatakbo nito sa motor nito, siguro ay nakaramdam na rin ito ng lamig ko lalo at palalim na ng gabi. "Bakit naman?" Tanong niya dito. "Syempre masarap ang yakap, pakiramdam ko ay mahal na mahal mo talaga ako. Haha!" Sabi pa nito dahilan para kurotin niya ang tiyan nitong yakap niya. "Baby, gusto ko pa na umabot sa honeymoon natin baka mabangga tayo kakapangurot mo diyan. " Sabi pa nito. Nagsisi naman siya sa kanyang ginawang pagkurot dito. "Ikaw kasi

