Isang hapon, habang busy si Roan sa pagpapakain ng triplets, biglang nag-ring ang phone niya. Unknown number. Medyo kinabahan siya doon lalo at tila nagkaroon siya ng trauma sa mga unknown number. “Hello?” “Ma’am Roan? This is from ZM Corp. Si Sir Zion po… may nangyaring maliit na aksidente. Nothing serious, pero he asked us to inform you.” boses ng isang babaeng nasa mid thirties ang edad siguro o mas bata pa. Di niya alam kung paano mag rereact pero alam niyang credible ang source niyon. Natigilan si Roan at bahagyang nanginig. Her sister and brother in law Aljun also a victim of an accident kaya parang nanghina siya at nanlamig sa kanyang narinig. Muling nanumbalik sa kanya ang takot, this time ay para sa buhay ng asawa niya. “A-aksidente?!” “Wala pong major injuries Ma'am Roan. Na

