"ms. sky park" pagtawag ng doctor
"yes po"
"ano nang nararamdaman mo ngayon?"
"okay naman na po"
"mabuti naman kasi may pain reliever ka ngayon"
"eh doc tanong ko lang po bakit po ba madalas sumakit ang puson ko?"
"active ka ngayon diba?"
"what do you mean active?"
"active ka sa s*x ngayon?"
"ah opo"
"from what I see mukhang nabigla ang katawan mo kaya ganyan actually normal naman iyan kaya lang I advice na sana stop muna kayo ng boyfriend mo ngayon mga at least 2 days makapag rest ka manlang, may mga bruises ka rin and that can be a sign na anemic ka, were you able to sleep these past few days?"
"recently po hindi, may mga problem po kasi kaya medyo stressed din"
"ah i see, so need talaga magrest. Just like i said no s*x muna kayo for at least 2 days para makapagrest at makapag adjust ang body mo sa recent changes."
"sige po"
"hindi din kita inaadvice na pumasok sa work kasi baka himatayin ka ulit. its better for you to rest muna at wala munang ganon ha?"
"yes doc"
umalis na ang doctor at dumating na si rosy
"oh! anong sabi ng doctor? bakit ka daw nahimatay?"
"Fatigue daw"
"ahhh oh kain ka muna"
"sige"
iniabot niya sa akin ang lugaw
"ano yang itim sa braso mo? teka pasa ba yan?"
"ha? ah oo pasa yan kasi meron ako ngayon"
"meron ka ngayon? kinabahan ako doon ah! akala ko binubugbog ka ni jerome"
oo rosy, pero hindi ko kayang sabihin.
"naku hindi ganon yon"
"siguro naiinlove ka na sa kanya noh?"
"bawal yon"
"bawal kang mainlove sa kanya?"
"oo nasa contract namin yon"
"ah!"
matapos kong kumain nakatulog ako
at
pagising ko
dumating si jerome
"o sya aalis na ko, Jerome ikaw na bahala kay Sky" sabi ni rosy
nung kaming dalawa nalang ni jerome ang nasa kwarto
"bakit ka nandito?" tanong ko
"hinimatay ka daw"
"eh anong pakielam mo?"
"wala naman ang pakielam eh iuuwi lang kita"
"sige nabayaran mo na ba yung bill?"
"oo bayad na"
"sige sana nagdala ka ng damit ko"
"eto" binato ung damit sa mukha ko
"wait lang magpapalit lang ako"
nang tumayo ako muntik na akong tumumba pero inalalayan ako ni jerome
tinapik ko ang kamay niya at pinilit kong tumayo kahit mahilo hilo ako.
pagkatapos kong magbihis, dumating na ang nurse at pinaupo ako sa wheelchair.
nang makarating na kmai sa lobby, umalis na si Jerome para kunin ang sasakyan niya sa parking lot.
Nang makarating na siya sa lobby agad na kong tumayo at sumakay sa sasakyan.
Walang kumikibo sa aming dalawa hanggang sa makarating kami ng condo.
pagdating sa bahay
itinabi ko ang gamit ko sa kusina at
"magluluto na ko ng hapunan, anong gusto mo?" tanong ko
"wag na bumili na ko ng pagkain"
"sige"
Jerome's POV
anong meron?
iba ata ang attitude niya ngayon?
parang palaban na siya ngayon
"hoy! sky! anong sinabi ng doctor sa iyo?"
"fatigue at stress" matipid niyang sagot
"huh?"
"nabigla ang katawan ko sa mga nangyari, hindi rin ako makatulog nung nakaraan nagsabay sabay lahat hindi kinaya ng katawan ko"
"parang yun lang ospital agad?"
"magpahinga daw muna kaya hindi ako papasok ng dalawang araw"
"so dito ka lang?"
"oo"
"mabuti yon"
"anong mabuti don? walang s*x, walang kahit ano. Kailangan kong magpahinga"
"ah okay, sumasagot ka na ha"
inambaan ko si sky na susuntukin
umiwas si sky
"sorry" pagpipigil ko sa inis ko
Sky's POV
okay naman palang
magkunwari akona matatag ako eh
at least medyo okay na kami kesa hinahayaan kong magpadala ako sa takot ko sa kanya.
matapos kong kumain
"matutulog na ako" sabi ko
paalis na ako pero hinawakan ni jerome ang kamay ko
pero binitawan din niya agad nang mapansin niyang may pasa ako
"bakit ba?" tanong ko
"wala sige matulog ka na!"
paakyat na ako pero napansin ko na nasa likod ko si jerome kaya
humarap ako sa kanya
at hinalikan ko siya
"anong balak mo?" tanong ni jerome
"diba eto naman ang gusto mo?"
unti unti kong binuksan ang zipper niya
nang
biglang dumating ang manager niya
"ay sorry! hindi ko alam na may ginagawa kayo" sabi ng manager niya
"okay lang naman diba jerome?" sabi ko habang nakaupo ako sa kanya
"bakit ka nandito?" tanong ni jerome
"may sakit ka daw sky" sagot ng manager niya
"ako po? wala po"
"anong wala eh hinimatay ka sa office nyo"
"ah yon dala lang po ng stress yon"
"iniistress ka ba ni Jerome?"
napatingin ako kay Jerome "hindi naman po" sagot ko.
"mabuti naman"
"sige yon lang naman ang ipinunta ko at jerome may photoshoot ka bukas ah! yun lang alis na ko bye!" pagpapaalam ng manager.
pagalis ng manager
umupo ulit ako kay jerome
hinalikan niya ako
hinalikan ko siya
at
naghalikan kami
umakyat kami sa kwarto habang naghahalikan
dinala niya ako sa kwarto ko
"magpahinga ka na" bulong niya
"pero ayaw mo bang?"
"ayoko"
umalis na si jerome
sa wakas ako na mag-isa
umiyak nanaman ako nga umiyak
hanggang ngayon
ang sakit parin
umiyak ako ng umiyak hanggang sa makatulog ako
Jerome's POV
paglabas ko ng kwarto ni sky napansin kong umiiyak siya
umiiyak nanaman
alam ko namang nagpapanggap lang siya sa
pagiging matapang niya
hindi naman kasi siya ganon eh
at alam kong nahihirapan siya
pero anong gagawin ko?
eh sa tuwing makikita ko siya
eh nagagalit ako.
nanghihinayang ako.
nadidisappoint ako.
Kinabukasan
"good morning jerome!" ginising ako ni sky
"ano nanaman toh?"
"kumain ka na sa baba"
"alis nga dyan!(tinulak sa sky) ang aga aga eh!"