Kinabukasan
naglalakad ako pauwi at syempre balik sa dati ang get up ko.
t-shirt
pants
at
rubber shoes, minsan nga tsinelas lang
simpleng simple
peaceful akong naglalakad nang may sumabay na sasakyan sa tabi ko
sinasabayan akong maglakad
at dahil feeling ko babastusin ako
eto na tumataas na ang taray level ko
taray level: 50%
Tumigil ako sa paglalakad
at tumigil din ung sasakyan
lumabas yung nagmamaneho ng sasakyan
"hoy! kung mangbabastos ka! maghanap ka ng iba! ANONG AKALA MO SA AKIN HA? MAKUKUHA MO SA MGA DA MOVES MO? AKALA MO KUNG SINO KANG GWAPO! MANYAK KA NAMAN! KUNG HINDI MO MAPIGILAN ANG LIBOG MO! MAGHANAP KA NG p****k JAN SA TABI TABI!"
"sky?" familiar yung boses
medyo matangkad yung lalake kaya pagtingala ko since maliit ako
"j-j-jerome?" gulat kong tanong.
"oo ako ito"
Naku!
bakit ba kasi sobrang taray ko?
nasigawan ko tuloy ang crush ko
wait lang
nananaginip ba ako?
totoo bang nasa harap ko si jerome? as in jerome kim?
gusto kong sampal sampalin ang sarili ko para iconfirm kung reality ba ito o panaginip.
pero nakakahiya kay jerome.
"sky!" sigaw ni jerome
"Bakit?"
"ang taray mo pala!" pilit niyang pinipigilang tumawa.
"naku yon ba (laughs) pasensya na ah! akala ko kasi babastusin ako eh"
"okay lang"
susmiyo!
kay gwapo talaga!
"teka bakit ka nga pala nandito?"
"actually nasa parking ako ng office mo iniintay kita kaya lang nakita kitang sumakay ng bus kaya sinundan kita"
"ganun ba? naku sorry talaga"
bakit niya ako iniintay?
oh my gosh!
ayokong maging assuming pero.
pero.
KAILANGAN KO NG OXYGEN!
DALI!
CPR!
"okay lang"
"bakit nga ba nandito ka?"
"magpapatulong sana ako pero pwede bang kumain muna tayo?"
"sige"
kakain kasama si JEROME KIM.
KUMALMA KA SKY.
PLEASE! MAGPAPATULONG SIYA KASI MAY PINOPORMAHAN SIYA!
KUMALMA KA!
SKY!
SKY! HUMINGA KA!
wag kang masyadong magpahalata dyan na kinikilig ka baka mailang!
Pero hindi ako makalma, paano ba naman a=isang sikat na singer ang kasama ko!
Bukod na kong pinagpala sa babaeng lahat?
Pero di pinagpala sa lovelife.
Hindi ata kumpleto ang dasal ko kaya eto lang ang binigay sa akin.
Kaya kahit ganito, kailangan ko na lang maging thankful kasi kahit papano napakinggan ang dasal kong makasama siya.