Hindi na mabilang ni Marian kung ilang beses na siya bumuntonghininga at pabalik-balik ng lakad sa harap ng pintuan kung asan si Timothy, kagat-kagat niya rin ang kanyang kuko. "Kinakabahan talaga ako," pabulong na sabi niya. "Pero baka mainip na siya kapag hindi pa ako nagpakita," dugtong niya at huminga ng malalim at pumikit ng mariin at tinaas ang kanyang kamay para kumatok. Nang biglang bumukas ang pintuan. At napasinghap siya nang makita ang magkasalubong na kilay ng lalaki. "What took you so long?" lalaking-lalaki ang boses na tanong nito sa kanya. Napalunok siya ng kanyang laway. "Ah... ehh, ano kasi.. bakit mo po ako hinahanap, Captain? May kailangan ka po ba sa akin?" seryosong tanong niya. "Get in, we will talk inside," sagot naman ng lalaki. Nagdadalawang isip nama

