Agatha
"Do you think it will work out?" Magkatabi kami sa upuan habang nakatingin sa kawalan.
"I don't know, it's depend upon your answer." Gusto kong iuntog ang sarili ko sa pag-oo ko sa kanya.
"Let's date 10 times, okay?" He nodded.
"Why don't you ask me?" Matagal na akong curious sa isang bagay na matagal ko nang inaantay na tanungin niya.
"About what?"
"About Sync?" Like he always do, he look again up to the sky. When he do that, I always remeber his brother.
"Because I trust you." Hindi ko alam kung bakit ganito nalang ang natatanggap na tiwala ko mula sa kanya.
I feel more guilty. Mali ako sa pag-oo ko sa kanya na makipagdate. Mali ako na nakilala ko siya at mali ako na di ko sa kanya sabihin ang totoo.
Pero bakit? Bakit tila natatakot ako na malaman niya? Hindi ko naman siguro kasalanan na mahalin niya ang isang gaya ko? Oo siguro kasalanan ko na nakipag-one night stand ako sa kapatid niya pero hindi ko naman alam na darating siya sa buhay ko.
"You are too blind, huh." He shrugged his shoulder and look at me.
"Do you think so?" He smile like he was happy about that.
"Yes, every man loves the woman that can return their love. But my situation, you know, I can't give that because my first priority is my son and I will give him all my heart." He holds my hand without asking me to do it.
"Yes, I know. But I'm asking you for giving me a chance to love you, not to be loved by you." For a brief moment I was shock.
"What do you mean?"
"You are a mom right?" Nakatingin siya sa akin at mas lalo pang humihigpit ang kanyang hawak sa aking kamay.
"Yes, as you know." I smiled awkwardly.
"Are you asking for Sync for giving back the love you gave to him?" That question makes me think about it so I couldn't answer it.
"Natatagalan ka sa pagsagot dahil hindi sa hindi mo alam ang sagot kundi dahil alam mong mahal ka ni Sync kahit hindi mo sabihin yun sa kanya na gawin niya. Iba ang sitwasyon ko, hindi ko gustong pilitin kang mahalin ako dahil alam kong hindi ka rin magiging masaya. Gusto ko lang iparamdam sayo kung gano kita kamahal. Pagkatapos nun, sayo na ang desisyon. Pero alam kong hindi ganun kadali na mahalin mo ako. Pero gaya ng pag-ibig mo kay Sync, gusto kong iparamdam sayo na mahal kita." Paliwanag nito, hindi ko alam kung bakit parati niyang pinaliliwanag ang sarili niya.
"Sabihin na nga natin mahal kita? Sa tingin mo walang tutol sa ating dalawa? Ina na ako at ikaw ay binata? Sa mundong itong mapanghusga, akala mo ba ganun kadali lang ang lahat dahil mahal natin ang isa't isa?" Nakita ko naman ang pag-iba sa kanyang ekspresyon, hindi ko alam kung bakit parang natutuwa pa siya mga sinabi ko. Sinasabi ko lang naman ang mga posibleng mangyari.
"Bakit? Bakit ngumingiti ka?" Naiirita kong tanong sa kanya.
"You giving me hope, huh?" Naguguluhan ako sa ibig niyang sabihin.
"What do you mean?"
"At the end of the day, you made me happy." Parang huminto ang buong oras sa ginawa niya, he kiss me on my forehead.
Nakita ko nalang siyang naglalakad na habang ako ay naiwan na nakatulala.
Tumakbo ako para habulin siya. Pero kahit gusto ko siyang sapakin sa ginawa niya ay hindi ko nagawa.
"See you tomorrow." Nakangiti nitong pamamaalam. Mabilis na napalitan ang lungkot sa kanyang mukha ng saya na di ko alam ang dahilan.
Umalis na siya habang ako ay iniisip parin kung anong ibig niyang sabihin na binigyan ko siya ng pag-asa at ang paghalik niya sa aking noo.
Pagpasok ko ng bahay naroon si Mama na halatang ako ang inaantay habang nanunuod ng telebisyon.
"Ma, ba't gising ka pa po?" Lumingon naman ito sa akin.
"Andito ka na pala." Umupo ako sa tabi niya.
"Mabait na bata si Railey." Pag-uumpisa nito.
"Opo." Hindi ko alam kung bakit niya inoopen ang about kay Railey.
"Kayo na ba?" Nakuha nito ang atensyon ko at muli siyang sinulyapan na ngayon ay tila walang reaksyon sa mismong tanong niya.
"Ma! Hindi po! Alam mong hindi pwede!" Mabilis kong tutol sa kanya.
"Dahil kay Sync?" Nahiya naman akong tumango sa kanya.
"O baka naman dahil sa ama ni Sync?" Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin dahil never na inopen ni Mama ang tungkol sa ama ni Sync.
"Hindi po at matagal ko na siyang kinalimutan." Pagsisinungaling ko rito.
"Kung dahil lang kay Sync, bakit di mo hayaan ang sarili mong magmahal muli at matalino naman si Sync, maiintindihan niya ang lahat."
"Pero hindi siya ang ama ni Sync." Pinatay ni Mama ang tv at humarap sa akin.
"Magiging mabuting ama si Railey kay Sync."
"Sa tingin mo ba ganun po talaga ang mangyayari?" Tumango ito.
"Naalala mo ang inooffer sayo ng Dad mo noon?"
"Ang pakasalan si Railey?"
"Oo. Hindi iooffer sayo yun ng Dad mo kung alam niyang hindi magiging mabuting ama at asawa si Railey dahil alam niyang liligaya ka rito."
"Pero di po ganun kadali yun Ma dahil hindi niya pwedeng malaman ang bagay bagay tungkol kay Sync." Kumunot ang noo ni Mama.
"Anong ibig mong sabihin?" Gusto ko ng sabihin ang lahat kay Mama pero hindi alam kung maiintindihan niya ba o mas lalong gagawa ng gulo.
"Hindi ko pa po pwede sabihin ang lahat sa inyo." Hinawakan niya ang aking kamay na nagpayapa sa aking isipan.
"Naiintindihan ko pero anak hayaan mong magmahal muli ang sarili mo dahil lahat ng tao ay may karapatan na magmahal."
"Opo, tatandaan ko po yun."
Humiga ako sa tabi ng aking anak na mahimbing na natutulog na. Hindi maiwaglit sa aking isipan sa tuwing nakikita ko ang kanyang mukha ay nagpapaalaala sa kanyang ama.
Mabilis kong iwinaglit sa aking isipan ang katangahan na iyon. Pinikit ko ang aking mga mata at tanging pumasok sa aking isipan ang paghalik sa akin ni Railey. Hindi ko alam kung ano bang nangyayari sa akin? May anak na ako para mag-isip isip ng bagay bagay na hindi maaring mangyari.
Pero ano ka ba talaga sa buhay ko Railey?
←←←⊙⊙⊙→→→
"Sama ka sa amin?" Nakadungaw sa table ko si Cherry, na katrabaho ko.
"Saan naman?"
"Welcome party para sayo at birthday din ni Jim." Muli kong finucos ang sarili ko sa ginagawa ko sa computer.
"Pasensya na pero marami pa kasi akong tatapusin." Pagsisinungaling ko.
"Ano ka ba? Pwede naman yan sa ibang araw mo na gawin at walang pasok bukas." Pangungulit muli nito.
"Oo nga, sumama ka na sa amin. Masaya, promise!" Dagdag pa ni Daisy.
"Pero..."
"Wala nang pero pero. Basta sasama ka mamaya ah, aasahan ka namin!" Nagmamadali nitong sabi dahil parating na si Zeus.
"Sir, you have a meeting with Mr. Chua at 12nn and you must attend the seminar at 2pm." Paghabol ko rito bago siya pumasok sa kanyang opisina.
"Remind me later." Pumasok na ito at muli na akong bumalik sa pwesto ko.
Pagkatapos nang paghaharap namin ng pagpasok ko kompanya niya. Hindi na muli kami nag-usap about sa personal matters. Siguro nga tama siya na isa siyang professional pagdating sa trabaho.
《《⊙⊙⊙》》
"CHEERS!" Wala na akong nagawa dahil hinila na nila ako papunta sa lugar na marami ring nag-iinuman na galing sa kompanya na pinagtratrabahuan namin.
Medyo may kalakihan pero hindi maituturing na bar ang lugar dahil tahimik lang ito at walang music kang maririnig. Maliwanag at tanging maririnig mo lang ang pagsasalita ng mga nakainom na. Hindi mo masasabing walang kaclass class ang lugar dahil kahit ang ibang nasa posisyon sa kompanya ay narito rin. Literal na beer house ang pinasukan namin.
Nasa isang mahaba kaming mesa na tama lang para sa aming lahat. Walo kaming nasa grupo. Karamihan sa kanila ay kilala ko lamang sa pangalan at hindi ko pa nakakausap. Kung makakausap ko man ay makikisuyo lang na magpapirma kay Zeus.
"Welcome to our team Agatha at Happy birthday sa birthday boy nating si Jim!" Pag-uumpisa ng team leader na si Jon habang hawak hawak ang isang baso ng beer.
"Thank you Sir!" Sagot naman ni Jim na ngayon ay napahawak sa kanyang batok na tila nahihiya pa na nagpatawa naman sa karamihan.
"CHEERS!" Medyo may kalakasan na sabi ng lahat.
Uminom ako ng unti mula rito at hindi mapakiwari ang lasa. Dahil sa tagal ko ng di nakainom ng alak, hindi ko alam kung kakayanin ko ba ang isang to.
Tinry ko pa rin ubusin ang laman ng baso dahil ayaw kong bigyan ako ng pansin ng lahat dahil sa di ko pag-inom.
"Di ba pupunta si Sir Zeus?" Narinig kong usapan ng dalawa na nasa tabi ko.
"Hindi ata, never namang pumunta sa kahit anong okasyon si Sir." Tugon naman ng isa.
"Okay lang din. Di rin magiging masaya kung andito siya."
"Grabe ka! Yang iniinom natin ngayon sa pera niya galing."
"Ay, ganun ba? Gwapo na nga si Sir at galante pa!" Pagbawi ng isa sa kanyang sinabi.
Natapos ang kasiyahan na hindi dumating ang Manager na si Zeus at tanging nakalimang baso lang ako ng alak. Marami na ang nasipag-uwian kaya nakisabay na rin ako sa paglabas sa kanila.
Naglalakad na ako pabalik sa opisina dahil kailangan kong tapusin ang pinapapagawa ni Zeus dahil kailangan niya na yun sa susunod na araw. Nasa elevator na ako nang marinig ko ang pangalan ko.
"Agatha, right?" Medyo nagulat naman ako sa presenya ng lalaki na kasama ko ngayon sa elevator. Nakalahad ang kamay nito at handang makipagkamay.
Hindi ko siya kilala pero alam kong sa kompanya rin na pinagtratrabahuan ko siya nagtratrabaho.
"Yes, may I ask who are you?"
"I'm Denver Estuesta, Manager of Finance Department." Mas tinaas niya ang kamay niya at inabot ko na ito.
"Nice to meet you, Sir."
"Like they say, you are gorgeous." Gusto ko ng bitawan ang kamay nito na halatang wala siyang balak bitawan.
"Oh sorry. Let's see each other around." Bumaba na siya ng elevator at ang isa pa na lalaki na sa akin likuran at naiwan na akong mag-isa.
Di ko siya kilala sa mukha pero kilala ko siya sa pangalan na naririnig ko mula sa iba. Totoo nga, babaero siya.
Pagpasok ko ng opisina ay madilim na, na ang ibig sabihin ay wala na nga tao rito. Tumungo ako sa desk ko at binuksan ang lampshade upang tapusin ang ginagawa ko.
Ilang minuto ng pagtatype nang marinig ko naman ang pagbukas ng pinto. Lumingon ako kung sino iyon. Nakatingin siya ngayon sa kanyang relo at muling binigyan ako ng pansin.
"Anong ginagawa mo rito?" Hindi ko makita ang ekspersyon sa kanyang mukha pero nakilala ko siya sa kanyang boses.
"May tinatapos lang po ako." Tumayo ako at magalang ko siyang sinagot.
"Tapos na ba ang welcome party niyo?" Naglakad na siya patungo sa kanyang opisina.
"Opo. Kani-kanila lang." Magalang sagot ko habang nakatayo.
"Umalis ka kaagad kapag natapos mo yan." Tumango ako at muling umupo.
Nakapasok na siya sa kanyang opisina. Binuksan niya ang ilaw kitang kita ko mula siya sa aking kinauupuan. Tahimik niyang binabasa ang mga papeles na nakalagay sa kanyang mesa. Muli kong binaling ang aking sarili sa aking ginagawa.
Ilang minuto ang nakalipas ay nakatanggap ako ng text mula kay Railey.
Agatha, are you still working? Matagal kaming di nagkita ni Railey pagkatapos niyang humingi ng permiso sa akin na manligaw. Iniisip ko noon na siguro nga ay natauhan na siya. Pero mali ako.
Yeah. Just finishing some files. Sagot ko sa text niya. Mabilis naman akong nakatanggap ng reply mula sa kanya.
It's already 2am, let me fetch you. Napatingin ako sa oras. Hindi ko namalayan ang oras.
No, I'm okay. Thanks. I'm almost done.
I am here in the parking lot. I will wait. Napangiti ako dahil sa di ko talaga siyang makukumbinsi sa bagay na gusto niya talagang gawin.
Pero paano niya nalaman na dito ako nagtratrabaho? Wala naman akong sinabi sa kanya dahil alam kong nagtatampo siya kapag nalaman niya.
Mabilis kong inayos ang mga files at ang gamit ko. Ready na ako para umalis pero nakalimutan kong magpaalam.
Tumungo ako sa opisina ni Zeus na ngayon ay di ko makita ang kanyang mukha dahil likod niya ang nakikita ko mula sa aking kinauupuan.
Nang buksan ko ang kanyang pinto. Tumambad sa akin na mahimbing na siyang natutulog habang nakaupo sa sofa. Hindi ko alam kung pano niya yun nagagawa. Bahagyang nakayuko ang kanyang ulunan habang hawak hawak niya sa kanyang kanan kamay ang ilang piraso ng papel na siguro ay kanyang binabasa.
Isasara ko na sana ang pintuan ng sampalin ako ng aking konsensya. Kaya bumalik ako upang pahigain siya. Ramdam ko ang kaba sa gagawin ko na tila may ginagawa akong masama.
Napalapit na ako sa kanya nang makita ko na sigurado ngang tulog na siya. Naamoy ko kaagad ang amoy ng alak mula sa kanya. Hindi naman namin siya kasama sa pag-inom kanina kaya di ko alam kung pano siya nag-amoy alak ng ganito.
Inilapag ko ang aking bag upang mabilis akong makakilos. Una kong kinuha mula sa kanya ang kanyang hawak na papel. Mabilis ko agad itong nakuha, napansin ko agad ang mga papel na yun ay alam kong tapos niyang basahin at pinirmahan niya na bago siya umalis kanina. Siguro nga ay dinidouble check niya iyon.
Dahan dahan ko naman siyang binaba upang makahiga kahit na may kabigatan. Hindi naman siya nagising kaagad dahil siguro sa epekto na rin ng alak. Napayukod ako at tanaw na tanaw ko mula sa aking kinayuyukuran ang kanyang mahimbing na pagtulog. Masasabi ko nga talaga na mag-ama nga sila ni Sync. Magkahawig sila kahit na tulog.
Hindi ko namalayan na malapit ko ng hawakan ang kanyang mukha. Kaya nagmadali ako upang umalis na sa lugar na iyon. Bago ako makaalis ay napahinto ako dahil sa salitang lumabas sa kanyang bibig.
"Agatha!"
♣♣♧◆◆◆♧♣♣
EPILOGUE OF CHAPTER 10
Third Person's POV:
"Sir, sumama po kayo mamaya sa amin. Unti kasiyahan lang po. Pagwelcome kay Agatha at birthday ni Jim." Pag-aya ng team leader na si Jon kay Zeus.
"Kayo nalang, meron pa akong gagawin." Halatang nadismaya si Jon sa pagtanggi ng kanilang manager.
"Ganun po ba? Pero aasahan parin namin kayong pumunta." Dinukot ni Zeus sa kanyang wallet ang kanyang debit card at binigay sa kanyang team leader bilang pakikisama na rin.
"Just enjoy." Mabilis naman itong tinanggap ng team leader at nagpasalamat.
Maagang umalis si Zeus sa kanilang opisina at tumungo sa parating pinag-iinuman ng grupo. Nasa isang gilid at hindi gustong mapansin ng iba.
Ilang minuto lang nang pagdating niya ay dumating na rin ang kanyang mga katrabaho kabilang na roon si Agatha.
Nakaisang bote lang siya ng alak dahil sa takot na makagawa muli siya ng bagay na pwede niyang pagsisihan noon. Maigi niyang pinagmamasdan si Agatha hanggang matapos ang inuman.
Nang makaalis na ang lahat ay tumayo na rin siya at maiging sinundan si Agatha na ilang hakbang lang ang layo mula sa kanya. Nagtaka ito nang bumalik uli ito sa kanilang opisina. Nauna siya sa elevator habang nakayuko at halata naman na di siya napansin nito.
"Agatha, right?" Narinig naman niya ang pagpapansin ni Denver na kilala sa lahat ng department na ubod sa pagkababaero.
"Yes, may I ask who are you?" Tugon naman ni Agatha, na halatang hindi niya kilala ang lalaki.
"I'm Denver Estuesta, Manager of Finance Department." Mas tinaas nito ang kamay niya at inabot naman ito ni Agatha na kinainis niya.
"Nice to meet you, Sir." Ngiti nito na mas lalong nagpainis sa binata. Pinigilan ni Zeus ang kanyang sarili at ginawa ang lahat para di siya makasapak sa inis na kanyang nararamdaman.
"Like they say, you are gorgeous." Napatilop siya sa kanyang kamao na nagpapahiwatig na gusto niya na itong sapakin.
"Oh sorry. Let's see each other around." Bumaba na si Denver at di anu-anoy sinundan naman ni Zeus.
Dumiretso ito sa bathroom at madali naman itong kwenelyuhan ng binata na nagpabigla sa lalaking nasa harapan niya.
Malakas lang ang kanyang dating niya sa mga babae dahil sa tingin niya lahat ng babae ay para sa kanya. Ngunit kitang kita ang takot sa kanyang mukha na makita ang anak ng direktor ng kompanya na galit na galit sa kanya.
"Anong kasalanan ko?" Nanginginig ang boses nito sa takot na masugutan ang kanyang mukha na iniisip niyang tanging asset niya sa mga babaeng pinopormahan niya.
"Isa pang beses kong malaman na lumalapit ka kay Agatha. Makikita mo ang hinahanap mo!" Binatawan agad nito ang lalaki at tumungo na sa kanilang opisina. Alam niyang sapat na iyon para tumigil ito sa paglapit kay Agatha.
Naging payapa naman ulit ito ng makita niya naroon si Agatha. Dumiretso ito sa kanyang opisina at ninanakaw ng tingin si Agatha. Wala na siyang magawa dahil tinapos niya lahat ng gagawin niya.
Tinext niya ang Kuya niya upang ipaalam na naroon pa si Agatha. Hanggang sa makatulog na siya sa sobrang antok at epekto ng alak.
To be continue...