SEVEN

414 Words
Agad na nangunot ang noo niya ng hindi niya nadatnan ang dalaga sa salas. Imposible naman ito makalabas ng bahay niya dahil secured yun ng gamit niya high-tech na gadget. Ginamit niya ang talas ng kanya pakiramdam. Naaamoy niya ang babae sa may papuntang kusina niya. Agad na tinungo niya ang kinaroroonan nito. Naabutan niya kumakain ito sa may center island. Pinagcross niya ang mga braso at sumandig siya sa may gilid ng b****a ng kusina. Isusubo na sana nito ang hawak nito sandwich ng makita siya. Natigilan ito pero nakabawi din agad. Pinagpatuloy nito ang pagkagat sa sandwich nito. Lihim siya na napangiti. Mukha itong anghel pero may pagkamandirigma ang ugali nito. Palaban. I like it. "Hindi mo ba akong aalukin?" pukaw niya rito. Umirap ito at uminom sa baso na may gatas. Pinanuod niya ang bawat galaw nito. "Sorry nakielam na ko sa pagkain mo..hindi pa kasi ko kumakain mula kagabi.." He sighed. Okay nakokonsensya siya sa pagtrato dito. "I'm sorry..hindi ko kasi alam na hindi ka pa pala kumakain kagabi.." aniya. Nagkibit ito ng balikat. "Ayos lang,sanay naman ako..minsan nga natutulog ako na hindi naghahapunan.." Bigla siya nakaramdam ng pagkaawa sa kalagayan nito. "Wala ka bang magulang? Kapatid? Kamag-anak?" Muli ito nagkibit ng balikat. "May asawa na ang tatay ko..12yrs old ako nun iniwan niya ako at nagpalaboy-laboy ako..ang nanay ko naman isang amerikana at hindi ko alam kung sino siya.." Naikuyom niya ang mga palad niya. Dumanas ito ng paghihirap. Sana noon pa lang gumawa na siya ng paraan na mahanap ito. Wala naman tayo ideya kung sino ang babae itinakda satin..bumawi na lang tayo sa kanya ngayon natagpuan na natin siya.. Sa tingin mo,madali lang yun? Hindi nga kami magkasundo eh. "Anong gusto mo kainin? Ipagluluto kita?" pukaw nito sa kanya. Napatitig siya rito. "Hindi na..sa labas na lang ako kakain.." Umismid ito. "Baka worried ka lang na baka lasunin kita?" He smirk at her. "Hindi mo gagawin yun dahiL masyadong malaki ang kasalanan mo sakin.." Bumuntong-hininga ito. "Magkano ba ang babayaran ko? Pwede bang humingi ng palugit? Maghahanap muna ako ng trabaho.." anito. "Pagtatrabahunan mo sakin ang damage na ginawa mo.." Natigilan ito. "Pero hindi ako magpapagamit sayo? Magkamatayan na tayo!" pagsama ng mukha nito sa kanya. He grinned. "Don't worry darating tayo diyan.." Nanlaki ang mga mata nito. "Bastos!" "Sumunod ka sakin.." utos niya rito. Malakas na pag-ismid ang tinugon nito sa kanya. Alright,Dominekk. Take it slow now. Just behave with  her and be gentleman with her.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD