Nanatiling tahimik ang loob ng sasakyan habang binabaybay nila ang daan pauwi sa apartment. Hindi alam ni Karen kung ikatutuwa ba niya ang pagbabago ng isip ni Alex o ano. Pero wala naman kasi sa usapan nila ang mga planong ginawa nito. Ilang saglit pa ay agad na nilang narating ang apartment. Agad na sumalubong sa kanila ang katiwalang si Tatay Ando, ito ang nagbukas ng gate sa kanila upang makapasok sa loob ng garahe ang sasakyan. “Congratulations sa inyong dalawa,” nakangiting bungad-bati ni Tatay Ando ng makababa na sila ni Alex sa sasakyan. “Napakaganda mo sa suot mong iyan, Karen, Iha,” baling-puri sa kaniya ng matanda. “Salamat po, ‘Tay.” Namumula ang pisnging pasasalamat ni Karen. Bagama’t nagtataka siya kung bakit parang hindi man lang yata ikinagulat ng matandang katiwala na

