Hindi alam ni Karen kung paano siya naka-alis sa bahay ng kanyang mga magulang. Ang tanging nasa isip niya lang ay makalayo sa pamamahay na iyon. Feeling niya ay mas makakahinga siya ng maluwag kapag tuluyan na siyang napalayo sa lugar na iyon. The scene of the past event flashed in her mind… ****** Nakayuko lang si Karen habang nakasunod sa likuran ng ina. Nang tuluyan na itong pumasok sa loob ng opisina ng kanyang ama ay tahimik siyang sumunod. Hindi siya nagtangkang iangat ang paningin upang tingnan kung sino-sino ang mga taong nasa loob. Wala siyang imik na pumwesto sa tabi ng ina nang huminto ito sa isang side ng opisina. “Ah, here they are. The two lovely women of my life,” narinig ni Karen na sambit ng kanyang ama. “Maupo ka, dear,” malambing na saad ng kanyang ama sa kanyang M

