Galit na galit si Rose nang tuluyan siyang makaalis sa hotel. Nang maisara niya ang pinto ng sarili niyang sasakyan, saka lang niya napunasan ang sugat sa tagiliran niya. Mabaw lang iyon—isang shallow graze, nothing serious.
“f**k that man,” bulong niya habang maingat na pinupunasan ang bahid ng dugo. “He escaped again.”
Pinaandar niya ang makina at mabilis na umalis sa hotel.
“And he knew exactly how I moved.”
Lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa manibela.
Mas mabilis si Alrick kaysa sa inaasahan niya. Much faster.
At nakakainsulto iyon.
“Apparently, my skills aren't enough to kill you.”
Napabuntong-hininga siya sa inis.
“One of these days, Alrick Segovia, I will finally get my revenge.”
Ilang taon na niyang ipinangako iyon sa sarili niya, at wala siyang balak sirain ang pangakong iyon.
Diretso siyang nagmaneho papunta sa maliit na apartment na palihim niyang nirentahan sa lungsod. Walang sinuman sa pamilya Deogracia ang nakakaalam tungkol sa lugar na iyon.
Para sa kanila, si Rosella ay nananatili sa apartment sa itaas ng maliit niyang bakery kapag hindi siya nasa estate.
Pero ibang-iba ang apartment na ito.
Ito ang lugar kung saan puwedeng maging Rose si Rosella.
Walang rules. Walang expectations. Walang kailangang gampanang role.
One of these days, I will finally get my revenge.
Paulit-ulit niyang sinabi iyon sa isip habang nagmamaneho nang mabilis pauwi.
Pagdating niya sa apartment, agad niyang pinalitan ang damit niya at naligo nang maayos. Ilang beses niyang hinugasan ang balat niya, na para bang kaya niyang burahin sa katawan niya ang lahat ng nangyari noong gabing iyon.
Pero habang nasa shower, paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang mukha ng lalaking kinamumuhian niya.
Shit. Why did I even do that?
Ginawa niya lang naman iyon para mapabilis ang plano niya—para makuha si Alrick sa isang lugar kung saan mas madali niya itong mapapatay.
Pero bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maalis sa isip ang nangyari?
Napapikit siya.
Lalo siyang nainis nang maalala niya kung gaano siya nanghina sa sandaling malapit ito sa kanya.
Stop thinking about him.
Pinatay niya ang shower at mabilis na nagpunas bago nagsuot ng robe.
Makalipas ang ilang minuto, umupo siya mag-isa sa tahimik na apartment habang may hawak na baso ng wine.
Tahimik ang paligid.
Pero magulo ang isip niya.
Paano niya papatayin si Alrick?
Nabigo ang unang plano.
Kailangan niya ng panibago.
Tumayo si Rose at lumapit sa isang buong wall na puno ng photographs, notes, at iba't ibang impormasyon tungkol kay Alrick.
Nandoon ang daily routines nito.
Usual routes.
Business meetings.
Security arrangements.
Mga lugar na madalas puntahan.
Mga taong palaging nakapaligid dito.
Lahat ng impormasyong ilang taon niyang tinipon ay naroon.
Kumuha siya ng dart at tinitigan ang isang litrato ni Alrick.
Sumikip ang mga mata niya.
Inihagis niya ang dart.
Thud.
Tumama iyon sa wall, ilang pulgada lang ang layo sa litrato ni Alrick.
“Next time.”
Lumapit siya at hinugot ang dart.
I won't miss.
Walang nakakaalam tungkol sa apartment na ito.
Not even the Deogracias.
Akala nila ay abala lang siya sa pagpapatakbo ng bakery.
At iyon mismo ang gusto ni Rose.
Isang lugar kung saan puwede siyang magplano nang walang sinumang makikialam.
Sa sumunod na isang linggo, patuloy niyang minamanmanan si Alrick mula sa malayo.
Sinundan niya ang routine nito.
Inobserbahan ang mga galaw.
Hinintay ang susunod na pagkakataon.
Hanggang isang hapon, biglang nagbago ang panahon.
Bumuhos ang malakas na ulan sa buong lungsod.
Hindi iyon bahagi ng plano niya.
Pero nang malaman niyang aalis ng lungsod si Alrick nang mag-isa, nakita niya ang pagkakataon.
Mabilis siyang sumunod.
Ang daan ay patungo sa kabundukan at kalaunan ay papalapit sa Deogracia estate.
Mabilis na sumunod si Rose sakay ng motor niya, maingat na pinapanatili ang sapat na distansya para hindi siya mapansin.
Then she accelerated.
This is my chance.
Inihanda niya ang armas niya at nagpaputok patungo sa sasakyan ni Alrick.
Tumama ang bala sa sasakyan.
Pero mabilis ang naging reaction ni Alrick.
Isang putok mula sa kabilang sasakyan ang nagpilit kay Rose na biglang umiwas.
“Damn it!”
Agad niyang inayos ang manibela at muling humabol.
Sa ilang sandali, parehong rumaragasa ang dalawang sasakyan sa basang kalsada habang patuloy ang malakas na ulan.
Sinubukan ni Rose na humanap ng opening.
Pero hindi iyon ibinigay ni Alrick.
Masyado siyang maingat.
Masyado siyang alerto.
Hanggang sa mapansin ni Rose kung saan papunta ang sasakyan nito.
Nanlaki ang mga mata niya.
No.
The Deogracia estate.
Agad siyang nagbagal.
Hindi niya puwedeng sundan si Alrick hanggang doon.
Kapag may nakakita sa kanya, malalaman nilang sinusundan niya ito.
At masisira ang lahat.
“Lucky bastard,” mura niya sa ilalim ng kanyang hininga.
Habang palayo nang palayo ang sasakyan ni Alrick sa mountain road, wala siyang nagawa kundi huminto at bumalik.
He has nine lives or something.
Muli na naman siyang nabigo.
Basang-basa sa ulan at halos sumabog sa frustration, bumalik si Rose sa apartment.
Kinabukasan, iniisip na naman niya ang panibagong strategy nang biglang tumunog ang phone niya.
Tiningnan niya ang screen.
Grandmother.
Agad niyang sinagot.
“Hello, Grandma?”
“Rosella, where are you?”
Napakunot ang noo ni Rose.
“At the bakery.”
Sandaling natahimik ang kabilang linya.
“Did you forget what day it is?”
Biglang natigilan si Rose.
Napalingon siya sa calendar na nasa tabi ng desk niya.
Nanlaki ang mga mata niya.
“Oh, no.”
Birthday ng grandmother niya.
Nakalimutan niya.
“I'll come home.”
“You better.”
Natapos ang tawag.
Agad namang nagsimulang maghanda si Rose.
Makalipas ang ilang oras, sinundo siya ng driver mula sa bakery.
May maliit na apartment sa itaas ng bakery na karaniwang tinutuluyan niya kapag gusto niyang manatili roon. Warm at pastel-colored ang loob nito—sakto sa image ni Rosella na kilala ng mga tao.
Unlike her secret apartment in the city.
Walang kahit anong bagay doon na magpapahiwatig tungkol sa lihim na buhay na pinamumuhay niya.
Sumakay si Rose sa sasakyan at tiningnan ang sarili.
Simple ang suot niyang dress. Covered ang karamihan ng kanyang mga braso, modest ang neckline, at may delicate heels siyang suot.
Simple rin ang makeup niya—elegant, proper, at eksaktong style na gusto ng kanyang grandmother.
Napabuntong-hininga siya.
“I look like I'm attending a funeral.”
Napatingin sa kanya ang driver mula sa rearview mirror.
Pero matalino itong nanahimik.
Mas mabigat kaysa inaasahan ang traffic.
At nang tuluyan silang makarating sa estate, kumbinsido na si Rose na late na siya.
Mabilis siyang pumasok sa bahay at nagsimulang hanapin ang grandmother niya.
Nasa main gathering area na ang matandang babae, surrounded by relatives and guests.
Kahit nasa late sixties na, nanatiling energetic ang grandmother ni Rose. Maingat ito sa lifestyle nito at ayaw nitong hayaan ang edad na pigilan siyang mag-enjoy sa buhay.
Napangiti si Rose nang makita niya ito.
“Grandma—”
Pero bago pa siya makalapit, may napansin siya.
Isang matangkad na lalaki ang nakatayo sa tabi ng kanyang grandmother.
Nakatalikod ito sa kanya kaya hindi niya makita ang mukha.
Bago pa siya makalapit, biglang lumitaw sa harapan niya ang younger cousin niyang si Eden.
“Rosella!”
Napakurap si Rose.
“Eden.”
“You're finally here! You're so late.”
“I got caught in traffic.”
Tiningnan siya ni Eden mula ulo hanggang paa bago tumawa.
“Seriously? Aren't you hot wearing that?”
Napakunot ang noo ni Rose.
“What is wrong with my dress?”
“You look like an old-fashioned young lady.”
“What's wrong with being proper?”
“Nothing. Besides, it won't matter soon.”
Lalong kumunot ang noo ni Rose.
“What are you talking about?”
Lumapit si Eden at marahang bumulong.
“Because you're apparently getting married.”
Natigilan si Rose.
“What?”
“You heard me.”
“I don't have a boyfriend.”
“I know.”
“And I'm not interested in getting married.”
Mas lalong lumawak ang ngiti ni Eden.
“You might change your mind after today.”
Napakrus ang mga braso ni Rose.
“What exactly are you talking about?”
Saglit na tumingin si Eden sa matangkad na lalaking kausap ng kanilang grandmother.
“Your future husband.”
Agad nagbago ang expression ni Rose.
“What?”
“He's been here before, you know.”
“When?”
“Previous night. He came during the storm.”
Biglang nanikip ang tiyan ni Rose.
“He came here?”
“Yes, but you weren't here.”
Excited na hinawakan ni Eden ang braso niya.
“And Grandma never told you because she wanted it to be a surprise.”
“A surprise?”
“Exactly.”
Sinubukan ni Rose na hilahin ang braso niya.
“Eden, stop.”
“Come on. You have to meet him.”
“I don't want to.”
“You don't even know him!”
“I don't need to.”
Pero hindi siya pinansin ni Eden at hinila siya papunta sa gathering.
“Look at him,” excited nitong bulong. “He's handsome.”
Napairap si Rose.
“I don't care.”
“You will.”
“Eden—”
“Grandma!”
Umalingawngaw ang boses ni Eden sa buong room.
“Rosella is here!”
Dahan-dahang lumingon ang matangkad na lalaki na kanina ay nakatalikod sa kanya.
At biglang huminto sa paglalakad si Rose.
Nanigas ang buong katawan niya.
Parang biglang nawala ang hangin sa kanyang mga baga.
Unti-unting bumilis ang t*bok ng puso niya.
She knew that face.
There was no mistaking him.
The same eyes.
The same cold expression.
The same man she had spent the last ten years hunting.
Alrick Segovia.