PROLOGUE

1119 Words
YELENA’S POV NAPATIGIL ako sa pagpasok sa matayog at marangyang gusali na nasa harapan ko. Tiningala ko ang dalampong palapag ng Zürich. Ito pa lang ang pangalawang beses kong makapapasok sa isa sa mga tanyag na kompanya sa larangan ng fashion. Labing-dalawang taon na ang nakalipas nang huli akong makapunta rito. Humugot ako nang malalim na hininga bago nagtungo sa may entrance. “Excuse, ma’am. Puwede po bang patingin ng ID niyo?” Pigil sa akin ng guwardiya na nagbabantay roon. Tumango ako saka kinuha ang ID sa wallet ko. Nakangiti kong iniabot sa kanya iyon. Bahagyang nanlaki ang mga mata niya nang makita ang pangalan ko sa ID. “Pasensiya na, ma’am. Hindi po kita namukhaan. Sorry po talaga,” hingi niya ng paumanhin at parang kinakabahan pa siya. “It’s okay po. Mukha po ba akong ibang tao sa gupit ko?” natatawang tanong ko. Napakamot ng ulo ang guwardiya. “Hindi naman, ma’am. Maganda ka naman po sa maikling gupit. Pero mas sanay lang po ako sa mahaba at tuwid niyong buhok na nakikita namin sa picture.” Tipid ko siyang nginitian. “Salamat po. Papasok na po ako sa loob, ha.” “Sige, ma’am. Welcome back po.” Tinanguan ko lang siya bago tuluyang pumasok sa loob. Walang masyadong tao sa lobby noong mga oras na iyon. May iilang empleyado na palabas ng kompanya at may mga papasok naman sa elevator. Dumiretso ako sa private elevator at nagpahatid sa pinakahuling palapag. Tumunog ang elevator at bumukas iyon hudyat na nakarating na ako kung nasaan ang opisina ng CEO ng Zürich. Bumungad sa aking paningin ang malawak na waiting area at ang lamesa ng sekretarya na malapit sa pinto ng opisina ng CEO. Biglang bumukas ang pinto at lumabas doon ang batam-batang babae. Napalabi ako at kinusot ang ilong ko saka naglakad patungo sa babae. I guess, this is the secretary. I already knew my father’s taste. Nahihiya siyang ngumiti sa akin habang pasimpleng inaayos ang nagusot niyang palda. “Good afternoon, ma’am. What can I do for you?” I gave her a half smile and pointed at my lips. Agad naman niyang nakuha ang ibig kong sabihin. Mabilis niyang tinakpan ang mga labi. Taranta siyang humingi ng pasensiya sa akin. “I’m so sorry, ma’am. H-Hindi na mauulit.” I heaved a sigh. “Just do your job properly and don’t include the old man.” Sunod-sunod siyang napatango. “Yes, ma’am.” “Is he busy?” pag-iiba ko sa usapan. “No, ma’am. Puwede ka na pong pumasok.” “Thanks.” Kumatok muna ako ng tatlong beses bago binuksan ang pinto. Sumalubong sa akin ang likod ni daddy dahil nakaharap siya sa malaking glass wall ng opisina. “How have you been, Dad?” I asked when I finally step inside. Sinagot ng nakabibinging katahimikan ang aking tanong. Umaasa pa naman akong iko-congratulate ako ni daddy, kahit hindi na galing sa puso. Basta marinig ko lang ang isang salitang iyon, masaya na ako. Pero ano pa ba ang aasahan ko, ‘di ba? Ganito na ang aking ama mula pagkabata ko. Lagi akong hindi kasali sa mundo niya. Walang oras para sa akin. He doesn’t care about me and my feelings. It hurts so much. Kaya naman iniisip ko na lang na sobrang busy talaga niyang tao. “I’m back, Dad. I hope you’re doing well,” untag ko para pawiin ang katahimikang namamayani sa pagitan namin. Humarap si daddy sa akin at matagal akong tinitigan. “You should go home now.” “Uuwi po ako mamaya. May gusto lang po akong sabihin sa ‘yo.” Sinulyapan niya ang suot na relo. “I’ll give you two minutes.” parang napipilitan pang payag niya. Tumikhim ako sakaling maibsan ang malakas na pagkabog ng dibdib ko. “Ngayon pong nakapagtapos na ako...” Tiningnan ko ang diploma kong nakalapag sa lamesa ni daddy. Ipinadala ko iyon kanina bago ako magtungo rito. “I want to work here, Dad.” “You don’t need to work here. I can’t give you any higher up position,” walang pagdadalawang-isip na tanggi niya. “Hindi po ako humihingi ng mataas na posisyon. Gusto ko pong maging normal na employee para matutunan ang pasikot-sikot sa negosyo. I want to experience everything so that someday I can handle the company well.” “You’re too confident. How can someone like you handle a massive company? I won’t risk the sake of Zürich to you just because you are my only daughter,” Dad said in a serious tone. “Plus, I’m sure the board won’t agree to entrust the future of the company to a dyslexic person.” A painful discrimination coming from my own father. Tagos na tagos sa puso ko ang mga sinabi niya. Parang biniyak ng paulit-ulit ang puso ko at sinunog pagkatapos. Imbes na damdamin ng matagal ang mga ganitong salita, bagkus ay ginawa kong inspirasyon para makapagtapos ng kolehiyo. Gusto kong ipakita na kaya ko rin naman kahit nahihirapan akong magbasa at mag-memorize. I’m doing my best to learn everything even if it’s hard sometimes. Kung noong bata ako ay iniiyakan ko ang mga masasakit na salitang sinasabi ni daddy pero iba na ngayon. Well, hindi mawawala ang pag-iyak ko dahil nakagagaan iyon ng loob. Pagkatapos niyon ay pinapakita kong may mararating din ako. Gaya ngayon, I just graduated Bachelor of Fine Arts Major in Fashion Design at Parsons School of Design in New York. The creative side of my brain is very active. I love sketching and drawing; more on gowns, shoes, sandals and bags. Taas noo akong tumingin kay daddy. “Please, Dad. I promise, I will prove to all of you that I am also capable in doing a good job. Especially, that I am worth it to take over the company someday.” Umiling si daddy. “Your haircut doesn't show any professionalism.” Hinawakan ko ang aking kinulot na mullet haircut. I love this haircut because of my favorite singer Kz Tandingan. “My haircut won’t affect my performance. Just give me a chance, Daddy.” Pimikit siya at napabuntong-hininga, tila nag-iisip kung bibigyan ba ako ng trabaho. Dumilat siya at pinakatitigan ang diploma ko na nasa lamesa niya. “I will give you a job in design department. I’m warning you, don’t shame and ruin my name. If one mistake occur, forget that I’m your father.” “Thank you so much, Daddy. Hinding-hindi po kita bibiguin.” Pinigilan ko ang mapasigaw sa sobrang saya kahit na gusto ko nang mag-celebrate. Mamaya na lang ako sisigaw at magtatalon. Ito na ang pagkakataon ko para patunayan sa lahat na espesyal ang mga katulad namin.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD