“Where’s your Dad, Fern?” Nakangiting salubong ko kay Fern nang sa wakas ay makarating sa bahay nila Damon. Kaninang madaling araw ay dumating ako galing US para ganapin doon ang death anniversary ni Daddy. Nauna lang akong umuwi dahil bukas ay birthday na ni Fern. I wanna surprise her. At katulong ko nga si Damon para sa surprise na ‘yon pero ang magaling kong fiance ay mukhang hindi pa rin gising hanggang ngayon! Anong oras na! Kagabi kasi ay nag-attend s’ya ng despedida party ni Axel at mukhang sa sobrang kalasingan ay hindi na nakauwi sa sariling bahay at dito na sa bahay ng parents n’ya tumuloy. “Mommy Kira! I missed you!” nakangiting salubong ni Fern at mabilis na naglakad palapit sa akin at yumakap ng mahigpit. Inabot ko sa kanya ang paper bag na may laman na ilang pasalubong. Si

