Pagkaalis ni Damon ay daig ko pa ang nakainom ng ilang tasa ng kape dahil biglaang nagising ang diwa ko! Just what the hell did he say again? Kukuhanin n’ya ang jacket n’ya ngayong gabi? Does that mean… pupunta s’ya sa condo ko ngayong gabi? Para sa jacket? He will fvcking drive that far just to get his jacket back?! Napasapo ako sa noo at hinilot-hilot ang sentido ko. Paulit-ulit din na naririnig ko sa isip ang mga sinabi n’ya kani-kanina lang. Sinasabayan pa ‘yon ng paghuhuramentado ng dibdib ko kaya halos hindi tuloy ako mapakali sa buong umaga. Lalo na nang bandang lunch break at tumawid kami sa kabilang building para kumain ng lunch ay laman pa rin s’ya hindi lang ng isip ko kundi pati na rin ng mga nurse na kasama kong kumain. Tickle was on leave today because she’s having her che

