“Nan…” halos hindi maituloy-tuloy ni Mitz ang sinasabi matapos kong sabihin sa kanyang nandito si Damon para manligaw. “Nanliligaw, Kira?” Muling tanong n’ya pa at saka hinawi patalikod ang buhok habang nakapikit ng mariin ang mga mata na mukhang hindi makuhang i-proseso ang mga sinabi ko. “Oo-” “Nanliligaw pa lang ‘yon ng lagay na ‘yon?! Nakahalik, nakayakap at higit sa lahat nakahawak sa pwet mo!” Bulalas n’ya na parang masisiraan na ng ulo. Kinagat ko ang ibabang labi at saka sinenyasan s’yang hinaan ang boses dahil naiwan sa living room si Damon at kami ni Mitz ay pumasok dito sa kwarto ko para pag-usapan ang nakita n’ya. “Alam mo ba kung gaano ka-babaero ang isang ‘yon, Kira? O sadyang pati ikaw eh nabiktima na?” Namimilog ang mga matang dagdag n’ya pa kaya hinila ko na s’ya para ma

