“I missed you, Kira!” Medyo inaantok pang bati ni Raven sa akin nang makita n’ya ako. Karga karga s’ya ng Daddy n’ya na hindi iniiwanan ng tingin si Ate Anika na nakasimangot. Agad na lumapit ako sa kanila at kinuha si Raven kay Vaughan Montecarlo. “I missed you too, Raven! Have you behaved yourself here?” Tanong ko habang kinukuha s’ya sa Daddy n’ya. Tumango ako kay Vaughan nang magtama ang paningin namin at itinuro si Ate Anika tinutulungan ang mga maids sa paglalagay ng mga gamit sa compartment ng sasakyan. “Thanks, Kira. Puntahan ko lang Mommy nito. Tinotoyo na naman yata.” Natawa ako nang marinig s’ya ni Ate Anika at irapan. Lumapit s’ya at agad na tinulungan si Ate Anika sa unan na hawak. “Let me hold that-” “Ako na!” Nagsusungit na tanggi ni Ate Anika at inirapan s’ya ulit. “Why

