“So, where’s Dame now?” Nakangiwing tanong ni Ate Euri nang sabihin kong sa sobrang galit ni Damon ay sinira nito ang pinahiram n’yang bikini sa akin. Hiyang-hiya ako dahil wala akong choice kung hindi ipaliwanag ‘yon sa kanya dahil biglaan kaming nawala kanina. Pati si Mitz ay tawa ng tawa dahil sa nangyari sa harapan ni Blad! “Super seloso pala ng kapatid mo, Ate Euri!” Bulalas pa n’ya. Nasa overwater bungalow parin sila kaya doon na ako dumiretso nang makatulog na si Damon matapos ang ginawa namin. Nag-init agad ang pisngi ko dahil hindi ko inaasahang gagawin namin ‘yon na hindi pa halos lumulubog ang araw! Sa sobrang pagod at lasing pa kaya nakatulog agad. Iniwanan ko na dahil magtataka na silang lahat kung pareho pa kaming mawawala! Mas nakakaduda ‘yon! “Uminom nga daw ng uminom sab

