“Kung kailangan n’yo ng tulong, Sir. Nando’n lang po kami sa resthouse,” sabi ng staff na sumama sa amin doon. Agad na umiling si Damon sa alok nito. “It’s okay. We can manage,” sabi n’ya at saka hinila na ako palapit doon. Medyo mainit na sa balat ang sikat ng araw. Mabuti na lang at mayroong sun slider ang paddle boat na ‘yon kaya kahit mainit na ay naenjoy namin ng todo ang pamamasyal. My phone was full of photos of the views on the island. Mayroon din akong mga solo pictures na kinuha ni Damon at mayroon din naman kaming pictures na magkasama. I took some stolen shots of him and I can really say that he also looks good in the pictures! Maaga pa para sa lunch ay pumasok na kami sa resthouse para mamahinga. Sinamahan kami ng staff sa second floor para sa hinandang kwarto. The room was

