Because of the incident that happened this morning, Vaughan learned the truth about Raven. Kahit si Damon ay hindi makapaniwala sa nalaman n’ya. I wasn’t really shocked because I knew it all along. Sinakyan ko na lang ang mga sinasabi n’ya para hindi n’ya mahalatang alam ko na ang tungkol doon sa unang araw pa lang ng pagtatrabaho ko bilang yaya ni Raven. “Whoa! Ate Nika, seriously?” Bulalas n’ya ulit matapos makausap ang Mommy n’ya na nagmamadali sa pagpunta sa ospital dahil sa itinawag ni Ate Euri. His Dad still seemed cool about it though. Kahit na nakikita kong pinapatay na s’ya sa titig ng asawa n’ya ay parang hindi n’ya ‘yon iniintindi. Mukhang mas concern pa nga ang Daddy nila sa sasabihin ng family ni Vaughan. “I can’t believe she did that to Kuya Vaughan! He’s been really good to

