Namilog ang mga mata ko nang biglaan akong higitin ni Damon kung saan. “Damon-” “I’m going to show you something,” putol n’ya sa sasabihin ko at mabibilis ang mga hakbang na hinila ako sa gawing likuran ng masyon. Nahigit ko ang hininga nang bumungad sa paningin ko ang isang hanging swing. It was a large, black pergola with a personalized design! Pakiramdam ko ay nasa Paris ako dahil nakapinta doon ang pinakasikat na tower sa Paris. Naramdaman ko ang pagpulupot ng mga braso ni Damon sa bewang ko kaya agad na hinarap ko s’ya dahil baka may makakita sa amin! “Damon, they might see us here-” “They’re busy. They won’t bother coming here,” sabi n’ya at agad na hinalikan ako. Sa una ay mabagal at mababaw lang ang mga halik n’ya hanggang sa pareho na kaming madala dahil sa naging paglalim ng

