Stacey's POV Nagtatanong ang aking mga mata ng lingunin ko si Sir Fritz ipinark niya ang kotse sa harap ng simbahan. Ngumiti ito sa akin habang tinatanggal ang kanyang seatbelt. "Hope we're not late for the second mass," sabi nito. Huh!Magsisimba kami? Nakaramdam ako ng tuwa, ang saya saya ko kanina I feel so dissapointed dahil hindi ako nakasama sa kanila para magsimba pero nandito ako ngayon kasama si Fritz at magkahawak kamay kaming tinatahak ang daan papasok ng simbahan. Ito na naman, ang bilis na naman ng t***k ng puso ko. Bakit ba kasi ganito ang lalaking ito, bakit niya ako binibigyan ng ganito ka espesyal na atensyon? Ang daming tanong na pumapasok sa isipan ko ng mga sandaling iyon. Nang ibaling ko ang tingin sa magkahawak naming mga kamay, pakiramdam ko ay ako na ang pina