"What is this Rachelle?! Nag-usap na tayo sa bagay na ito pero ginagawa mo pa rin yung ayaw ko. Why?! Ayaw mong mabuntis? Ayaw mong magkaroon tayo ng anak? Ayaw mo bang ako ang magbibigay sayo ng maraming anak? Ayaw mo bang ako ang magiging ama sa mga magiging anak natin?!" Sunod-sunod na tanong ni Ninong habang nakikinig naman ako rito sa hallway. Nadaanan ko kasi ito na parang gym dahil may pinautos sa akin si Manang kanina. May bisita si Ninang Rachelle kaya't napag-utusan ako rito. Nahiya naman si Manang magsabi dahil simula pa raw kaninang umaga ay nag-aaway na silang dalawa. Hindi ko naman alam kung ano ang pinag-aawayan ng dalawa dahil may sarili rin naman akong mundo rito at wala rin sila pakialamam sa akin dahil busy rin ako sa aking ginagawa. Paano ko ba ito sasabihin kay Ninan

