Chapter 8 - The Fireball with Lightning

1846 Words
Chapter 08 Averil's POV HALOS tatlong araw ng tulog si Ana. Grabe sa pinsala ang nagawa ng kapangyarihan n'ya. Nag mistulang gubat tuloy ang harap ng Magenta academy ng dahil sa pagwawala ng kapangyarihan na ginawa niya. Hirap na hirap tuloy sina Zackery, Arlo at Draco sa pagputol sa mga higanting halaman na gawa ni Ana. Pagkatapos nilang kalbuhin 'yun ay si miss Farasha naman ang gumalaw. Kapangyarihan niya ang mag transform sa pagiging isang malaking butterfly. Winawagayway niya ang pakpak niya at doon naghuhulog siya ng mga kumikinang-kinang na glitters sa mga halamang nasira at unti-unti 'yung tumutubo at lahat ng 'yun ay bumabalik sa dati. Pero malakas ang kutob ko na sila Brenna ang may gawa kung bakit sumakit ang tiyan at hanggang ngayon ay tulog parin si Ana. Sigurado akong gumawa na naman ng potion si Brenna. Ganyang ganyan sila kapag may bagong studyante dito. Noong una palang sana ay binalalaan ko na si Ana’ng huwag kakain ng kahit anong pagkain na bigay ng kahit sino man taga Academy. 'Yun lang ang pagkakamali ko. Habang sinusuklay ko ang buhok ko ay biglang bumukas ang pinto ng room ko at pumasok na bigla si Arlo. “Pinapatawag daw tayo ni Miss Elidi,” bungad niyang sabi. “Bakit daw? May problema na naman ba?” “Hindi ko alam eh. Halika na, sabay na tayong pumunta doon.” Sabay na kaming lumabas ng room ko. Nag clap siya at saka lumabas ang isang Magic carpet. Pagsakay naming doon ay naalala ko na naman ang rainbow na magic Carpet ni Ana. Ang cool talaga ng kanya. Nang makarating kami sa second floor ay nagmadali na kaming bumababa. Pagpasok namin sa loob ng kwarto ni Miss Elidi ay kumpleto na pala silang lahat doon. Kami nalang pala ang hinihintay. Nang kumpleto na kami ay nagsimula ng magsalita si Miss Elidi. “Ang meeting na ito ay tungkol kay Miss Ana. Alam kong may kakaiba siyang kapangyarihang taglay. Do you know guys, na she is only 17 years old. Ang kadalasan sa taong may special ability ay sa edad 18 years old palang lalabas ang kapangyarihan nito. Pero itong si Miss Ana ay kakaiba. 17 palang siya pero nag paparamdam na agad ang kapangyarihan niya. Noong una ko siyang mahawakan ay may nasagap na akong 10% sa katawan niya. Kaya everytime na magpapalabas siya ng kapangyarihan ay nahihimatay siya. Hindi pa niya kayang galamayin 'yun. Sa oras na gamitin niya 'yun ay agad niyang naiitotodo ang kapangyarihan niya kaya naman nawawalan agad siya ng lakas. Kaya naman Zackery, Averil, Arlo, Draco, Arabella, Mithra, Brenna, Lowern, Devan, Inari, Deborah at Otava. Kayong labing dalawa ang inaatasan kong mag alaga sa kanya. Kailangan naka-mata kayo sa kanya. Saka kung kinakailangan i-train n'yo siya, gawin n'yo.” Nadinig kong nagbulungan ang three bad girls, na para bang umaangal sa utos ni Miss Elidi. “Pero bakit po kami pa. Gaano ba ka special ang babaeng 'yun at labing dalawa pa kaming dapat mag alaga sa kanya?!” Inis na tanong ni Zackery. “Kaya nga po! Ano bang mayroon ang babaeng 'yun?!" Nakairap na sabi ni Arabella. "Special si Miss Ana. Nararamdaman kong kakaiba siya. Alam kong balang araw ay mas lalakas pa siya. Aaminin ko na sainyo, si Miss Ana ay mas malakas pa sainyo. Na-i-kwento kasi ni Miss Freya na noong kasalukuyang nararamdaman na niya ang powers niya ay mahina pa siya. Sa 10% na kapangyarihan niya ay tanging damo palang ang kaya niyang palabasin sa lupa. Pero ng sabihin ko sa kanyang 10% palang din ang kapangyarihan ni Ana ay nagulat siya. Biruin n'yo kasi sa 10% na'yun ay nagawa na agad ni Miss Ana na gawing gubat ang harap na Magenta. Kakaiba ang taglay niya ng kapangyarihan kaya alam kong balang araw ay siya ang isa sa makakatulong sa atin upang labanan ang apat na halimaw na may black magic.” Astig pala ni Miss Ana. Hindi lang pala siya simpleng tao lang. Kami pala dapat ang mahiya dahil mas malakas siya sa amin. “So, ano, may aangal paba?” Nanunura kong parinig sa mga anti-Ana. Walang umimik at wala ng sumagot. Hindi nila puwedeng suwayin ang queen of the sun. Mayamaya at napatingin si Miss Elidi kay Mithra. “Mithra?” Seryosong tawag ni Miss Elidi sa kanya. Nakita kong nagulat at natakot ang bruha. “Yes po, Miss Elidi?” “Pumunta ka sa hospital at pagalingin mo na si Miss Ana. I know na kagagawan n'yo kung bakit nag-kaganun siya. Sumusobra na kayo, Arabella! Sinabi ko nang 'wag na kayong nam-bubully. Ginagamit n'yo ang pagiging malakas n'yo para takutin ang mga batang mahihina dito! Wina-warningan ko na kayo, huwag si Miss Ana dahil hindi nyo alam kung sino ang kinakalaban nyo!” Napanganga at namutla sa takot ang tatlong bruha. “Sorry po, Miss Elidi,” sabay sabay nilang sabi. “Sorry kayo ng sorry pero pinagpapatuloy n'yo parin. 'Wag n'yong hintayin na gamitan ko na kayo ng kapangyarihan!" “Ito napo ang huli, Miss Elidi. Promise po,” saad ni Arabella at nagulat kami ng lumuhod pa ito sa harap ni Miss Elidi. Nakakatakot talaga si Miss Elidi Kapag seryoso at nagagalit. “Tatandaan ko ‘yan. Sige na, tumungo na kayo sa hospital at pagalingin nyo na si Miss Ana,” utos ni Miss Elidi. Lahat kami ay seryosong lumabas sa room na’yun. Dumiretsyo kami sa hospital, ditto lang din sa Magenta academy. Pagdating sa hospital ay agad ng sinimulan ni Mithra ang pagpapagaling kay Ana. Itinapat niya ang dalawa niyang kamay sa ulo ni Ana at mayamaya ay may liwanag na lumabas sa ulo ni Ana at sa kamay ni Mithra. Matapos nun ay unti-unti ng dumilat ang mga mata ni Ana. Nasa tabi niya ngayon ang nag-aalala niyang bestfriend na si Miss Natalia. --**-- Ana's POV Malabo ang paningin ko ng imulat ko ang mga mata ko. Mayamaya ng luminaw ito ay nagulat ako ng makita ko ang mukha ni Natalia na tila nag-aalala. Agad akong napayakap sa bestfriend kong miss na miss ko na. Habang magkayakap kami ay ngayon ko lang nakita ang labing dalawang taong may birthstone na nakapaligid saamin. Nasagap ng mata ko ang babaeng nagbigay saakin ng cake nung umaga 'yun. Napa-baklas ako ng yakap kay Natalia at agad na hinarap ang babaeng may salarin sa nangyari saakin. “I-ikaw! Ikaw ang dahilan ng pagsakit ng tiyan ko!” Galit na galit ko siyang tinitigan. Wala akong kaalam-alam na pinalutang ko siya sa ere. Lahat sila ay nagulat. Itinuro ko ang hintuturo ko sa kanya at mayamaya ay isang fireball na may halong lightning ang biglang lumabas sa daliri ko. “Humimahon ka, Ana. 'Wag kang magalit at baka mag-wala na naman ang kapangyarihan mo,” sigaw ni Natalia na nagpabalik kalma sa galit na nararamdaman ko. Teka, paano ko nagawa 'yun? Bigla akong napatitig sa daliri ko. Paano ko nagawang palutangin siya at paano ko nagawang magpalabas ng fireball na may halong kidlat sa daliri ko? Takot na takot at halos naluha ng lumaglag sa sahig si Brenna. Lahat sila ay napalaki ang mata sa nasaksihan nila. “Oh my gosh, ayos ka lang Brenna?” Dinig kong sabi nung isang babae. Nasagi ang paningin k kay Zackery. Ngayon ko lang siya nakita ng pagkagulat na para bang may halong takot na nararamdaman saakin. “Ang mabuti pa ay lumabas na muna kayo. Hayaan nyo na muna kami ni Ana dito,” utos ni Natalia. “P-pwede din ba akong maiwan?” Tanong ni Averil. "Okay lang ba sa'yo, Ana?" Tanong ni Natalia. Tumango ako. Okay saakin si Averil. Mabait siya kaya nakagaangan ko na siya ng loob. Lahat sila ay lumaba. Nakita kong akay-akay ng dalawang babae si Brenna. Until now, hindi parin ako makapaniwalang may majika nga ako. Pero bago tuluyang lumabas si Brenna ay tinawag ko siya. Lahat sila ay napahinto na akala’y hindi pa ako tapos. “B-bakit? S-sorry talaga, Ana,” natatakot na wika nito saakin. “Okay, pero sorry din sa nagawa ko, hindi ko sinasadya,” saad ko na kinangiti niya. Tumango siya at tuluyan nang lumabas. “My gosh, Ana. Ano ba talagang kapangyarihan ang mayroon ka? Bakit kaya mong magpalabas ng apoy na may halong kidlat. Halos parehas na'yun na kapangyarihan ng dalawang pinakamalakas na tao dito ah. Saka 'yung mga halaman? Paano mo nagagawa 'yun?” Sunod sunod na tanong ni Averil. “Hindi ko alam, Averil. Basta basta nalang eh. Kapag nagagalit ako lumalabas nalang talaga." Sagot ko Napatingin ako kay natalia. Speechless parin siya habang nakatingin saakin na para bang hindi makapaniwalang kasama na niya ako ngayon. “I-ikaw Natalia, ano ang kapangyarihan mo?” Tanong ko bigla. “Ang kapangyarihan ko ay ang sumulat. Once na sinulat ko sa papel na magkaroon ng apple dito sa harap mo ay magkakatotoo 'yun. Pero, limitado lang ang kayang tuparin ng ballpen ko. Tulad ng gusto kong isulat kanina na gumaling at magising kana ay hindi pwede. Masyado kasing madami ang mababawas na powers saakin at maaring baka ako naman ang mawalan ng malay.” “Cool! Pero, i hate you! Iniwan mo ako, tapos marami kapa palang sikreto na tinatago saakin,”nakasibangot kong wika sa kanya. “Eh, kasi baka hindi mo ako paniwalaan eh.” “Sa tingin mo ba ay ganoon ako sa'yo? Syempre kahit ano pang sabihin mo ay paniniwalaan kita kasi alam mong malaki ang tiwala ko sa'yo dahil noon pa man ay ikaw na ang bestfriend ko.” Nagulat ako ng yakapin ako bigla ni Natalia. “Im sorry, Ana,” sabi niya sabay yakap ng mahigpit. Eh, ano pa nga ba ang magagawa ko. Kailan ko ba siya hindi pinatawad. “Sige na, pinapatawad na kita. Pero marami akong tanong sa'yo kaya sa oras na makalabas ako ditto ay mag uusap tayo.” “Sarap n'yong tignan. Mukhang napakatagal na nga ng mga pinagsamahan n'yo. Sana maging matalik ko din kayong mga kaibigan,” Averil said. Nginitian ko siya. “Why not, Averil. Come here, sumama ka saaming group-hug. From now on, bestfriend ka nadin namin. Noon paman na pagtungtong ko dito ay pinangarap ko ng maging kaibigan ka, Averil. Nakikita ko kasi sayo si Natalia. Saka ang nice mo kaya nakagaangan na kaagad kita ng loob.” Nginitian niya ako ng malaki at saka sumama sa yakapan namin ni Natalia. Masaya akong may bago naman akong friend. Pero hindi parin mawala sa isip ko ang mga nangyari kanina. Bakit nga ba may fire at lightning na lumabas saakin? 'Yun naba ang kapangyarihan ko? Pero hindi may kakayahan din akong magpalabas ng mga mala-higanting halaman na may halo pang poison. So tatlo. Tatlo ang kapangyarihan ko? My gosh! Nakaka-praning na talaga ang mga nangyayari. Biruin mo, ang isang Ana Aletta pala na binubully sa mundo ng mga normal ay isa palang babaeng may kakaibang taglay. Ang Bongga ko talaga! Kaya lang kailangan ko pang alamin at pag aralan ang kapangyarihan ko. Sana talaga makayanan ko ang lahat ng ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD