Chapter 11 - The Padam-padam Park

1360 Words
Chapter 11 Zackery's POV DINALA namin ulit si hospital si Ana, pati narin ang Queen of the sun na si Miss Elidi. Sinubukang i-healing ni Mithra si Miss Elidi kaya lang masyadong malakas ang pinsala sa katawan n'ya kaya naman halos 10% lang ang nabigay niya kay Miss Elidi. Nandito kami ngayon sa room ni miss Morwenna. Nagtipon-tipon kaming mga 12 na may birthstone at ang mga guro. May halaga daw kasing sasabihin si Miss Morwenna. “Nakita n'yo naman na napatay ni Ana ang makapangyarihan at halimaw na si Seraphim. Tignan n'yo kung gaano kalakas si Ana gayong 10% palang ang kapangyarihan n'ya. Ngayon ang gusto kong mangyari ay madaliin na natin ang pagpapalakas kay Ana para naman sa susunod na bisitahin tayo ng mga hangal na may black magic ay kayang kaya na natin silang paslangin. Pero sa ngayon dapat kailangan nating gumawa nang mas matibay pang barrier para hindi na makapinsala pa ang sino mang magha-hangal na sirain ang ari-arian natin dito.” Lahat kami nakinig lang kay Miss Morwenna. Alam namin na kahit ano mang oras ay maaaring sumugod na ang mga kalaban kapag nabalitaan nilang namatay na ang isa sa kanila. I can’t believe it na si Ana pa talaga ang kauna-unahang may makakapatay sa isa sa kanila. Astig talaga niya. Sobra na niya akong napapahanga. Matapos mag salita ni Miss Morwenna ay lumabas na kami. Si Miss Farasha at Miss Saskia nama'y tumungo sa harap ng gate para gumawa ng bagong giant gate na mas titibayan pa nila ngayon, habang si Miss Tanith at Miss Tinka naman ay in-upgrade ang lakas at tibay ng barrier ng buong Magenta Academy. Habang na sa terrace ako ng room ko ay hindi mawala sa isip ko ang nakangiting si Ana habang nakatingin sa umuulan ng mga petals ng higanting halaman na gawa niya. Tila ba may kung anong kumurot sa puso ko ng makita ko siya. Lalo pa ng makita kong nawalan siya naman malay-tao nun. Tila ba labis ang pag-a-alala ko na para bang napaka-importante na niyang tao saakin. Magulo. Kailanman ay hindi ako naging ganito sa sinong mang babae. Siguro naawa lang ako dahil lagi nalang siyang nawawalan ng malay-tao. Hindi rin biro ang pinagdadaanan niya na kahit hindi niya galamay ang kapangyarihan niya ay sumasabak parin siya sa kanyang mga training na ngayon ay alam kong mapanganib dahil kahit mismo siya ay naaaksidente sa mga kapangyarihan na nilalabas niya. Tulad nalang ng higanting halaman. Muntikan na kami dun. Mabuti nalang at naaksyunan niya at nakaligtas siya. “Zackery?” Nagulat ako ng bigla akong tawagin ni Arlo sa likuran ko. “Oh?’ Maikli kong tugon. “Alam mo simula ng dumating si Ana dito, kung ano ano ng mga bagay ang nakikita ko na labis na kinamangha ko. Ang paggawa niya ng gubat sa harap na Academy, ang higanting halaman na may mala-higanti ding Blade. Grabe! Nakakamangha ang kapangyarihan niya,” kwento niya habang napapailig. Akala ko ay ako lang ang ganun kay Ana. Ganun din si Arlo. Nakatitiyak akong mas marami pang ilalabas si Ana. Alam ko mas popular na ngayon si Ana kesa sa aming labing dalawang may birthstone. Hindi naman sa naiingit ako. Ang sa akin lang ay iba talaga kasi ang babaeng 'yun at ang pagiging kakaiba niya ang dapat kong tuklasin. A-alamin ko kung saan ba siya galing at ano ba talaga ang tunay niyang pagkatao at ganyang mala-halimaw ang kapangyarihan n'ya. “Kaya nga eh. Pero teka, kamusta na sila? May pagbabago ba kay Miss Elidi?” Tanong ko. “Si Ana gising na pero si Miss Elidi wala paring pagbabago. Lalo pa ngang humina ang katawan n'ya eh. Hindi nga daw malaman ng mga doctor at mga nurse nating fairy ang ginamit na kapangyarihang may poison kay Miss Elidi ni Seraphim. Masyado daw kasing kakaiba at malakas ang black magic ni Seraphim. Mukhang sa lagay ngayon ni Miss Elidi ay 50/50 s'ya ngayon.” Sa pag-aalala ko kay Miss Elidi ay minabuti kong puntahan na s'ya sa hospital. Nag clap ako ng isa at dali-dali nang sumakay sa magic Carpet. --**-- Ana's POV NANG magising ako ay agad kong pinuntahan si Miss Elidi sa kwarto n'ya. Pag pasok ko sa kwarto niya ay nadatnan kong nagbabantay do'n sina Averil. Kinamusta niya ang pakiramdam ako at sinabi ko namang okay na ako. Tinignan ko si Miss Elidi. Wala parin itong malay-tao at ang labi n'ya ay napaka-putla. Nag-aalala na ako sa kanya. Masyado atang napinsala ang katawan n'ya ng bruhang si Seraphim na'yun. “Ana ang galing mo. Hindi ko lubos maisip na napatay mo si Seraphim. Ang lakas talaga ng kapangyarihan mo.” Nginitian ko nalang si Averil. Wala kasi akong ganang makipag-kwentuhan ngayon. Binaling ko na lang ulit ang tingin ko kay Miss Elidi. “Nasaan si Mithra? Bakit hindi niya kayang i-healing si Miss Elidi?” Tanong ko. Tumayo si Averil at saka lumapit saakin. “Ginawa na n'ya 'yun kanina. Kaya lang masyadong napinsala ang katawan n'ya kaya hanggang 10% lang ang nabigay n'yang lakas kay Miss Elidi.” “Eh, anong lagay n'ya ngayon? Magiging okay naba siya?” Tanong ko pa ulit pero binigyan lang ako ng malungkot na mukha ni Averil. “Ana, 50/50 si Miss Elidi ngayon,” sagot niya na kinagulat ko. Biglang bumukas ang pinto ng kwarto at iniluwa nun si Zackery at Arlo. Dahan-dahan silang lumapit at tinignan ang walang malay-tao na si Miss Elidi. “Im proud of you, Ana. Ang galing mo at napatay mo si Seraphim," bati bigla ni Arlo. Nginitian ko lang siya at agad kong inilipat ang tingin ko sa nakatingin din saakin na si Zackery. Gusto ko siyang tanungin kung bakit siya nakatingin, kaya lang ayaw bumuka ng bibig ko. Natatakot parin ako sa kanya. Mayamaya ay nagulat ako ng siya na ang magsalita. “Ang galing mo," sabi niya at saka ako nginitian. Nakita kong parang nagulat si Arlo at Averil. Bakit kaya? Nang tignan ko sila nakangiti lang sila na para bang nakaka-loko. Bumukas ulit ang pinto ng kwarto at si Draco naman ang dumating. “Humanda ka na mamaya at ako na ang mag te-train sa'yo,” aniya na nakatingin saakin. “S-sige,” maikli kong sagot. Payag ako. Mabait si Draco kaya nakatitiyak akong maganda ang kalalabasan ng training naming. “Ang mabuti pa'y umuwi na muna ako sa homeroom ko at maliligo muna ako. Mas maganda sa pakiramdam ang fresh bago tayo mag-training.” Nagpaalam na ako sa kanila. Kaya lang lalabas na sana ako ng kwartong ‘yun ng bigla akong tawagin ni Draco. “Ana, wait!” Nilingon ko siya at tinanong. “Bakit?” Ngumiti siya at saka sumagot, “Pwedeng maki-sakay sa kakaibang magic carpet mo?” Napanganga ako sa sinabi n'ya. Tumingin ako kina Averil at Arlo na napapatawa nalang, habang si Zackery naman ay naging seryoso na naman ang tingin saakin. Nangisi naman ako sa sinabi niya. “S-sige ba. Saan ba ang tungo mo at ihahatid na kita?” Tanong ko. Ngumisi si Draco at saka sumagot. “Sa ano, sa Padam-padam park. P-pwede mo ba akong samahan doon?” Nadinig kong nasamid si Arlo, habang si Averil naman ay nagulat. Bakit? Ano bang mayroon sa padam-padam park na sinabi ni Draco? “DRACO!?” biglang sumigaw si Zackery. Nagulat tuloy ako ng biglang lumapit si Zackery at hinila ako palabas ng kwarto. Nag clap siya at saka ulit ako hinilang sumakay doon. Hinatid niya ako sa tapat ng homeroom ko. A-alis na sana siya pero bigla ko siyang pinigilan. “Teka, Zackery,” pigil ko sa kanya. Bumaba ulit siya gamit ang magic carpet n'ya at saka lumapit saakin. “Bakit?” Naka-kunot noo niyang sagot. “Ah, ano bang mayroon sa Padam-padam park na'yun?” Nakita kong nagulat siya sa tinanong ko. “Ah, ano, basta, hindi mo na kailangan malaman pa at dapat ay pagpapalakas ang atupagin mo!” Sagot niya at agad akong tinalikuran. Ang weird at ang badboy talaga! Nagtatanong lang naman eh! Pero ano nga ba talagang mayroon sa Padam-padam park na'yun? Di bale, mamaya itatanong ko nalang kay Natalia.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD