Zuzana's POV MAGKASAMA kami ni Mama Tiana sa kwarto ko ngayon. Inaya ko kasi siya dahil gusto kong sa halamang stylist ko din siya magpa-ayos. Nagulat nga si Mama ng makita niya ang hamalan ko eh. Pero agad ko ding ipinaliwanag sa kanya na kapangyarihan ko 'yun kaya nawala din ang takot niya. Kapwa kaming inaayusan ng halaman kong stylist. Dalawang glam team ang pinalabas ko. Nang matapos sila ay halos parehas kami ng ayos ni Mama. Tuwang tuwa siya dahil para kaming pinagbiyak na buko. Kulot ang dulo na aming buhok at napakaganda ng pagkaka-make-up saamin. Nag-suot kami ni Mama ng magarang damit. Si Mama , Queen na Queen sa suot niyang damit. Ako naman tuwang-tuwa dahil first time kong mag suot ng ganitong kagarang damit. Princessang princessa na nga daw ang itsura ko. Nang matapos na

