Chapter 1 - Magenta Academy

1241 Words
Chapter 01 Ana's POV ISANG pag-subok na araw na naman ito para saakin. Paano kasi papapasok na naman ako sa School kong puro mga Bully lord ang mga nagkalat! Ewan ko ba’t ako nalang palagi ang gusto nilang pinagti-tripan. Sa araw araw na ginawa ng panginoon ay sanay na sanay na ako sa kanila. Minsan nga umuuwi akong basang basa, puro putik at minsan warak ang uniform. Hinihintay ko na nga lang na patayin nila ako eh. Kaasar sila! Wala naman akong ginagawa sa kanila. Talagang trip lang nila na mam-bully. “Sige na, umalis ka na at mahuhuli ka na sa klase mo.” Tumango ako kay Aling Pasing este, Mami Pasing pala. Yup, hindi ko siya tunay na magulang. Sabi niya nakita niya lang ako noon sa ilalim ng malaking puno sa kagubatan. Nagkataong maiihi kasi siya noon sa biyahe at huminto sila sa gubat para umihi. Sa liblib napunta si Mami Pasing. Doon siya pumunta malapit sa looban ng gubat. Nahihiya daw kasi siyang baka may makakita sa kanya. Habang umiihi siya ay nadinig nalang niya ang isang iyak ng bata. Doon daw niya akong nakitang umiiyak habang nakatayo sa ilalim ng malaking puno. Hindi ko alam kung buhay pa mga parents ko. Pero isa lang ang nararamdaman ko kung sakaling makita ko man sila. Kinamumuhian ko sila dahil tinapon lang nila ako sa gubat kung saan hindi nila alam na maari akong mapahamak. Pero ganunpaman ay nagpapasalamat ako at nakita ako ng mabait at mahal kong si Mami Pasing. Kaming dalawa lang ang namumuhay dito sa bahay namin. Wala na kasi ang asawa ni Mami Pasing. Namatay daw 'yun sa isang aksidente. “Sandali! Hindi kapa humihingi ng baon mo saakin Anak!” sigaw ni Mami at talagang hinabol pa niya ako sa labas. Huminto ako at nginitian ko siya, “Hindi na po. May natira pa naman akong pera kahapon. Mapagkakasya ko pa naman ito sa buong maghapon. Itabi n'yo nalang po 'yan,” sagot ko. Nakita kong napangiti ng konti si Mami. Naaawa kasi ako kay Mami Pasing. Gulay lang kasi na tanim namin sa likod ng bahay ang bumubuhay saamin. Nag -haharvest ng paunti-unti si Mami doon at saka niya 'yun ilalako sa palengke. Ang hirap na Makita siyang ganoon. Kung pwede nga lang huminto sa pag aaral, gagawin ko na para lang matulungan siya at ako na ang magtatrabaho. Kaya lang ayaw niya eh. Mas mabuti daw na makapagtapos ako sa pag-aaral dahil mas maganda daw na trabaho ang makukuha ko. Well, tama naman siya. Kaya nga mas pinag-bubutihan ko ang pag aaral ko eh. “Napakabait mong bata. Sige na at mag iingat ka at mag aral mabuti,” saad niya at bigla ko siyang niyakap. Balang araw, mai-aahon din kita sa hirap Mami Pasing. Pinapangako ko 'yan. --**-- PAG-PASOK ko palang sa gate ng school na ito ay masamang awra agad ang nahagip ko. Siguradong pag tapak ko palang sa tapat na gate ay may nakaabang na naman na mambubully saakin. Naglakad na ako papasok sa loob ng bigla akong nadulas. Tama nga. Isang balat ng saging ang natapakan ko at ito ako ngayon, nakahandusay sa lapag ng simento. ”Oh my gosh! Okay kalang, Ana?” Tinayo ako ni Natalia. Mabuti nalang at nandiyan siya. Anyway, siya ang nag iisang kong bestfriend dito sa School. “Kainis! Sumakit tuloy ang balakang ko,” wika ko ng maitayo niya ako. Nilingap-lingap ko ang mata ko. Sa isang gilid malapit sa isang puno ay nakita ko ang grupo nila Sandy na nagtatawanan. Sila ang mga nambubully dito. At numero uno nila akong target palagi. Mga hinayupak talaga sila! Para mawala ang inis at pagtitimpi ko ay naglakad nalang kami papunta sa classroom namin. Doon masaya na ako kasi alam kong safe na ako. “Buwisit lang talaga nila Sandy na'yan. Lagi ka nalang binubully. Konting konti nalang talaga, gagamitan ko na sila ng....” napatigil si Natalia sa pagsasalita ng mapatingin ako sa kanya. "Gagamitan ng what?" Taas kilay kong tanong. “Nang.. nang.. nang lakas ng loob. Tama, gagamitan ko na sila ng lakas ng loob at lalabanan ko na sila!” Galit na sagot ni Natalia. Napatawa ako. Kaya love na love ko itong bestfriend ko e. Palagi nalang niya akong pinapatawa. Alam kong hindi niya kayang labanan ang mga 'yun dahil kilala kong napakaduwag na tao itong si Natalia. “Push mo lang Girl!” Sagot ko at binaling na ang tingin sa guro naming papasok na ng room namin. Maghapong puro pag aaral lang ang ginagawa namin ni Natalia. Hindi kami naglalakwatcha at hindi kami masyadong nakikisalamuha sa mga student dito na mapepera. Basta para saamin, kami lang dalawa ay sapat na. Pag sapit ng hapon ay hindi sumabay saakin si Natalia sa pag-uwi dahil may emergency daw. Nag madali siyang umuwi. Bago siya nagpaalam saakin ay nagpatago pa siya ng libro sa bag ko na siya pa mismo ang naglagay. Lumabas na ako sa classroom namin. Naglalakad na ako palabas ng School ng bigla nalang akong tawagin ni Sandy. Nilingon ko siya at hinintuan. Lumapit siya saakin at bigla nalang kong binuhusan ng malamig na malamig na Juice sa ulo ko. Tawanan ang lahat ng kasama niya, “Ayan! mabango ka na. Amoy orange ka na Girl!” Sabi niya habang haplit sila ng kakatawa. Nakakagigil! Nakakasura! at sumosobra na sila! Nag iinit na ang buong kong katawan dahil sa sobra sobrang galit na nararamdaman ko. Hindi ko na kinaya ang pagtitimpi ko. Tinignan ko sila ng isang matalim na matalim na tingin at saka ako sumigaw ng malakas. “AHHHHHHHHHHHH!” Kasabay ng pag sigaw ko ng malakas ay bigla nalang yumanig ang buong gusali. Lahat sila at pati ako ay nagulat. Sa pag yanig ng mga gusali ay biglang nagka-crack ang lupaan at may bigla nalang lumabas doon na malaking halaman at pinaluputan nun sina Sandy. Sa sobrang gulat at takot ko ay bigla akong nawalan ng malay-tao. Pakiramdam ko din kasi ay nanghina bigla ang katawan ko. --**-- NAGISING ako na nasa kwarto ko na ako. Nakita ko agad ang nag aalalang si Mami Pasing. Dahan dahan akong naupo habang hawak hawak ang ulo kong makirot ng konti. “Naku! Salamat naman at gising kana,” bungad na sabi ni Mami. “A-ano pong nangyari?” Tanong ko. “May kakaiba daw na halaman ang biglang sumulpot sa School n'yo. Buti nalang hindi ka napuluputan nun. Kasi 'yung mga student daw na napuluputan nun ay nalason. Ayun nga at hindi pa daw nagigising hanggang ngayon,” ani Mami na kinagulat ko. Bigla kong naalala ang lahat. Saan kaya galing ang kakaibang higanting halaman na'yun? Nakakatakot! Mabuti nalang at hindi ako nadikitan nun. Buti nga sa mga sandy na'yan karma nila 'yun! “kung okay kana ay bumangon kana d'yan dahil kakain na tayo ng hapunan,” sabi ni Mami at lumabas na ng kwarto ko. “Sige po, susunod na po ako,” sagot ko. Tatayo na sana ako para lumabas ng kwarto ng makita kong may biglang umilaw sa loob ng bag ko. Napakunot-noo ako. Dahan-dahan akong lumapit doon at tinignan ko kung ano ba'yun? Binuksan ko ang bag ko at nakita kong libro ang umiilaw doon. Kinuha ko 'yun at saka tinignan. “Bakit umiilaw 'to?” Tanong ko sa sarili ko. Nang makita ko ang harap at title ng libro ay namangha ako. “Magenta Academy? Ano ito?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD