Maayos ang pagkakahilera ng mga unipormadong mga empleyado sa entrada ng hotel. Masaya nilang binabati ang bawat isang guest na nagdaraan papasok ng Montevista Hotel. Malaki na ang pinagbago ng interior design ng kabuuan ng lobby. Magkakadikit na palm trees na nakapaloob sa isang pabilog na steel frame na kulay puti ang nagsisilbing centerpiece ng lugar. May mga pahabang sofa na kulay bughaw ang nakapaligid sa pabilog na area na nababalutan ng kulay bughaw rin na karpet. Ang mga kulay light orange na mga armchair naman ay nakapuwesto sa magkabilang gilid ng lobby. Hindi ko mapigilan na maalala ang first encounter namin ni Troy sa Club Empress, ang pagpapadala niya sa akin ng pagkain sa suite ko, ang pag-i-island hopping namin at ang pag-amin niya ng tunay na damdamin niya para sa akin sa

