Chapter 22 – Protocol

2639 Words

Sobrang lakas ng t***k ng puso ko nang mga oras na iyon. Sana naman ay maging maayos ang kalagayan ni Empress. Alam kong hindi ako mapapatawad ni Troy kung sakali man na may masamang mangyari sa kapatid niya. Biglang huminto ang pagtugtog ng party music sa kabuuan ng pool area dahil sa nangyaring insidente. Nilibot ko ang aking paningin sa paligid ko. Tutok na tutok sa direkyon ng kinatatayuan ko ang mapanghusgang tingin ng mga guest na walang tigil sa kanilang ginagawang pag-uusap-usap tungkol sa mga naganap kanina. Napayuko na lamang ako para maiwasan ang nakakapasong paraan ng pagtingin ng ilan. Napagdesisyonan kong umalis na kaagad sa lugar na iyon. Mabilis akong naglakad papunta sa kinaroroonan ng gate. Malaking hakbang ang ginawa ko sa bermuda grass na pumapalibot sa nilalakaran

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD