Sophia? Isa kaya siya sa mga naging ex ni Troy? O baka naman hindi lang sila mag-ex, baka sila pa rin? Alam kong wala akong karapatan na magtanong kay Troy tungkol sa personal na buhay niya pero sana naman ay hindi niya girlfriend ‘yon, kahit papaano naman ay ayokong lumabas na third party rito. I just shrugged my shoulders. Itinuon ko na lamang ang pansin ko sa painting na ginagawa ko. Natapos ko nang naipinta kanina ang magkahalong kahel at matingkad na asul na kulay ng papawirin. Kinukulayan ko na ngayon ng asul na watercolor paint ang dagat na aking iginuhit dito sa canvass. Habang si Troy ay nakatayo pa rin sa di-kalayuan, iritable ang kanyang mukha. Mababakas ang kanyang malaking pagkadisgusto sa kung sino man iyong kausap niya mula sa kabilang linya. Kasalukuyan ko na ngayong

