Hindi nakalagay sa mga article na nabasa ko sa internet ang totoong rason ng hiwalayan nina Troy at Sophia at kung ano na ang status ng relasyon nila ngayon. I am so frustrated right now! Gusto ko pang makakalap ng maraming impormasyon tungkol sa past nilang dalawa. Kung nagkabalikan na ba silang dalawa recently? Basta gusto kong malaman ang totoo. Gusto kong malaman kung ano bang klase ng relasyon ang mayroon sila ngayon. Napahilamos na lamang ako sa aking mukha. Hindi ako makapaniwala na gumugol ako ng halos isang oras para lang imbestigahan ang naging past relationship nilang dalawa. Paano na naman ba ako napunta sa ganitong eksena? Paano ko nagawang baliin ang prinsipyo ko sa loob lamang ng ilang araw? Sinabi ko na sa sarili ko na hinding-hindi na ako mag-iinvest ng emosyon sa mga s

